^

Pang Movies

Juday dapat saluduhan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Karapatan ni Judy Ann Santos na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa Fallen 44 ng PNP-SAF dahil Pilipino siya na may malasakit sa kababayan, kahit hindi niya kilala.

Hindi nag-iisa si Juday. Isa lamang siya sa milyung-milyong mga Pilipino na sumisigaw ng katarungan para sa mga pulis na brutal na pinatay sa Maguindanao.

Hindi lamang kababayan si Juday dahil ina at kapatid din siya na mapagmahal sa pamilya. Hindi na niya kailangan na maranasan na mawalan ng mahal sa buhay sa marahas na paraan para maramdaman niya ang hinagpis ng naulilang pamilya ng mga biktima. Dapat saluduhan si Juday dahil marunong siya na manindigan.

PLDT naglunsad ng kaasenso!

In fairness, involved na involved ang entertainment press sa current events dahil ang Fallen 44 at ang mga dapat managot sa kanilang pagkamatay ang topic kahapon sa presscon ng KaAsenso ng PLDT.

Kung maririnig ng Aquino family, ang kuwentuhan ng mga reporter, tiyak na mababahala sila dahil marami ang kumbinsido na may kinalaman si P-Noy sa nangyari sa Fallen 44.

Ang lumabas ang katotohanan ang ipinagdarasal ng entertainment press para hindi mabale-wala ang mga ibinuwis na buhay ng mga pinatay na PNP-Special Action Force.

Walang celebrity endorser ang PLDT KaAsenso pero nagtagal sa presscon ang entertainment writers dahil interesado sila sa Cyberya, ang all-in-one Internet cafe package  na pangkabuhayan showcase ng PLDT.

Mura lamang ang puhunan sa Cyberya at ang PLDT ang magbibigay ng computer set, cabinet at coin-operated timer na gagana sa pamamagitan ng PLDT Home DSL.

Take note, apat na Cyberya ang ipina-raffle ng PLDT sa entertainment writers kaya puwede nang magtayo ng negos­yo ang winners.

Thank you so much kay PLDT boss Gary Dujali na hindi nawawalan ng mga project na pagkakakitaan ng PLDT  Home DSL subscribers. Noong nakaraang linggo, ang very reliable na FAM Cam ang ipinakilala ni Papa Gary sa entertainment press at nasundan agad ito ng Cyberya. No wonder, mahirap matinag ang PLDT na may likas na malasakit sa mga Pilipino na kaAsenso sa kanilang minigosyo.

Power Ranger actor na pumatay ng kaibigan hindi Pinoy, Puerto Rican

Puerto Rican at hindi Pilipino si Ricardo Medina, Jr., ang Power Ranger actor na pumatay sa kanyang kaibigan.

Napagkamalan lang na Pinoy si Medina dahil tunog Pilipino ang pangalan niya.

Espada ang ginamit ni Medina nang saksakin niya si Joshua Sutter dahil nagkasagutan sila na humantong sa pisikal na pag-aaway.

Michael Copon naman ang pangalan ng Filipino-American actor na gumanap na Blue Power Ranger sa television series ng Power Rangers: Time Force.

Pepsters magsisimula na

Magsisimula na pala sa February 9 ang botohan para sa Pepsters Choice ng  2nd Pep List Awards ng Philippine Entertainment Portal.

Sa May 2015 ang awards night ng 2nd PEP List Awards at inaasahan na magiging successful ito tulad ng awards night nila na ginanap noong 2014 sa Solaire Resort & Casino.

Mga contract star ng ABS CBN, GMA 7 at TV 5 ang mga nominated sa Pepsters Choice. Nag-promise ang PEP staff na bibigyan nila ako ng kopya ng mga artista na nominado para ma-share ko sa dear readers ng PSN at PM.

 

CYBERYA

DAHIL

JUDAY

PEPSTERS CHOICE

PILIPINO

PLDT

POWER RANGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with