Luis nakikiisa sa panghihingi ng katarungan sa mga napatay na pulis

MANILA, Philippines - Nagsisilbing advantage para kay Luis Manzano ang image niyang makulit, mapagbiro, at masayahin kaya naman hindi lang sa hosting siya mabenta kundi maging sa endorsements.

Eh, sa video ng pictorial niya bilang endorser ng Puregold Perks Card, hayun ay umariba na naman si Luis sa kakengkuyan. Nagamit din niya ang asset niyang ito sa TV commercial niya ng isang mala­king food chain at banko. “I’m proud na ‘yun ang ginagawang commercial para sa akin. Kung napansin mo, palaging makulit? ‘Yung ginawa ko dati ang PSBank, palaging may comedic twist. Nu’ng ginawa ko ‘yung iba na may comedy. I guess mas gusto nilang gamitin ang personality ko talaga.

Natutuwa nga ang host-actor dahil sa pagiging endorser niya ng Puregold, very supportive ang kum­panya sa anumang charitable projects nila Angel (Locsin). Ayon kay Luis, kahit once or twice lang silang magkita ng girlfriend, walang isyu ‘yon dahil may kani-kanya silang trabaho.

“We both understand na it’s part of our future. We’re very happy,” saad niya.

Eh, pagdating sa inaasam-asam na kasal ng mga malalapit sa kanila, “Ayaw naman naming magpakasal because people just want us to. Kami ang ikakasal hindi ang ibang tao.” 

Siya ba ‘yung tipong spontaneous ang gagawing proposal or detalyado?

“Hindi ako, mas metikuloso ako. In terms of something special as a wedding, oo, metikuloso ako sa ganyan. May pagka-OC (obsessive-compulsive) sa ganyang bagay. Namana ko rin sigu­ro…Hindi ko alam kung kay mommy o daddy. Something that special, OC ako,” katwiran ni Luis.

Nagpaliwanag din si Luis sa hindi niya pagtanggap ng movie kasama ang mother niyang si Governor Vilma Santos-Recto at girlfriend na si Angel.

“If it’s novelty, na ginawa namin sa In My Life, okey ako. Pero siyempre, tatlo na kami sa movie. Ayoko namang i-expose ang lahat sa public na mapag-uusapan sa promotions ng movie,” dahilan ng host-actor.

Anyway, sa nasabing launching ni Luis, nagbigay din siya ng moment of silence para sa mga members ng Special Action Force na nasawi sa labanan sa Maguindanao. Hindi man niya personal na kilala ang mga taong ‘yon, may lungkot din sa kanya.

“Nakakalungkot. Nakakalungkot. But then…Nakakalungkot kasi lahat naman tayo Pilipino eh. Di ba,’yang mga ‘yan, ang ating armed forces, bago natin protektahan ang bansa natin, hindi naman natin tinanong kung Kristiyano ka ba o hindi. Ang tinatanong ay kung Pilipino ka, poprotektahan ka namin!

 “Nakakalungkot na may nababawian ng buhay na ganoon. Hopefully, justice is served in whatever capacity!” saad ni Luis.

Show comments