Pagkatapos ng mga kontrobersyal na salitang pinakawalan ng TV-movie and radio personality na si Kat Alano tungkol sa kanyang alleged rapist, muli na namang gumagawa ng ingay ito dahil sa kanyang pagsuporta para sa legalization ng medical marijuana sa ating bansa.
Sa pinost na photo ni Kat sa kanyang Instagram account, sinabi nito na maraming healing benefits ang medical marijuana o mas kilala sa botanical name nitong Cannabis.
“I have seen the proof that it helps stop cancer. Two people with Stage 4 were cured completely.
“All this hype all over the world for a plant that could help so many people, and yet there isn’t as much hype about the kind of drugs you put in your body given to you by doctors even though you have no idea what’s in them. Mind numbing drugs to make you fake happiness if you’re depressed but don’t let you actually deal.
“The system is designed to create reasons for you to buy more drugs. Why do you think doctors junkets are at huge fancy resorts and are designed to make them want to buy certain brands of drugs?! Stop being a sheep and do your research. It’s all out there. There is no longer any excuse for ignorance. #freeyourmind.”
Considered na illegal drug ang marijuana sa ating bansa, pero legal itong gamitin (for medical purposed) sa mga bansang North Korea, Uruguay, the Netherlands, at sa 23 states of the USA.
Tulad ni Kat, naniniwala rin sa healing powers ng cannabis ang ilang local celebrities tulad nila Angel Aquino, Cristine Reyes, at Rafael Rosell.
Jake hindi pa rin kinakausap si Kuya Germs
Hindi pa rin pala nakakausap ng Kapuso actor na si Jake Vargas ang kanyang manager na si German “Kuya Germs” Moreno simula pa noong ma-mild stroke ito.
Pero nabisita na raw ng aktor si Kuya Germs sa bahay nito ngunit ‘di raw ito puwedeng makausap pa.
“Nakailang beses ko nang nabisita si Tatay. Pero bilin kasi sa amin na hindi pa siya puwedeng makausap.
“Kaya hanggang kaway lang kaming mga bumibisita sa kanya.
“Maayos naman na ang lagay niya. Nakakakilos na siya kahit paunti-unti. Nakakapagsalita na rin siya.
“Total bed rest talaga kailangan niya para mabilis siyang gumaling,” sey pa ni Jake na busy sa promotion ng pelikula niyang Liwanag sa Dilim kung saan co-stars niya sina Sarah Lahbati, Igiboy Flores, at ang girlfriend niyang si Bea Binene.
Miss na raw ng marami si Kuya Germs sa programa nitong Walang Tulugan with the Master Showman. ‘Di raw kasi kumpleto ang show kapag wala raw ito.
Clinic na kinamatayan ni Joan Rivers matatanggalan ng lisensiya
Pormal nang nag-file ng lawsuit si Melissa Rivers sa clinic na Yorkville Endoscopy kung saan sumakabilang-buhay ang kanyang inang si Joan Rivers noong September 4, 2014.
Ayon sa lawyer ni Rivers, hindi raw naging professionals ang mga tauhan sa naturang clinic noong ma-cardiac arrest ang comedian and TV host ng Fashion Police.
Sa sinumite na lawsuit ni Rivers, nakalagay doon na medical malpractice ang ginawa ng mga tao sa clinic.
Kasama rin sa demanda ni Melissa ang personal na doctor ng kanyang ina na si Gwen Korovin.
Ayon sa lawsuit: “She should not have been permitted in the room where the procedure was being performed, yet she jumped in and announced, “I’ll go first.”
Isa pang demanda ay sa pagkuha ng isang doctor kay Joan Rivers gamit ang kanyang cell phone habang under sedation ang comedian-TV host.
Dahil sa demanda ni Rivers, matatanggalan nga ng accreditation license ang clinic.