Luis ayaw ngaragin ang sarili, ni-reject ang movie kasama si Alex Gonzaga

The year 2015 is, no doubt, starting right for Luis Manzano. Careerwise, that is.

Although, ‘di pa officially natatapos ang The Voice Philippines, which he co-hosts twice a week with the Gonzaga sisters, Toni and Alex, plus, of course, Robi Domingo, he got word from the management of ABS-CBN that they are currently preparing for the new season of the reality show, Deal or No Deal. At ang napupusuan daw nilang mag-host ng game program muli ay si Luis.

Daily ang airing ng Deal or No Deal. Kaya, the entire five days ng buong isang linggo, ayon kay Luis mapapanood siya Deal or No Deal.

At heto pa, Saturdays, Luis is committed, he said, to host a weekly live show.

“Kaya, kumbaga, Sunday na lang ang maitutu­ring kong rest day ko. Not to say personal day ko,” aniya.

He just signed up with a new endorsement for Puregold, para sa Puregold Perks Card.

“I was impressed with this new pakulo ng Puregold, as I know, it’s a welcome treat, lalo’t sa mga housewives, who have difficulty sometimes making both ends meet.

 “Kaya, to Puregold,” susog pa ni Luis, “More power.”

On recent report that he begged off from the movie, which his mom Batangas Governor Vilma Santos, and girlfriend Angel Locsin, will topbill, ayon kay Luis meron siyang personal na rason.

Moreover, it’s not the only movie assignment, which he gave up, simply because feeling ni Luis, he will be doing himself a great favor, plus, kung anumang ginagawa o gagawin niya, if he doesn’t overwork himself.

He might not agree rin na gumawa ng movie with Alex Gonzaga, na ang magdidirek reportedly ay si Wenn Deramas. Yes, for reason, he already cited.

Ayaw niyang sagarin ang sarili sa trabaho. Ayaw daw niyang maging pabigat sa kanyang mga katrabaho.

In his years in showbiz, Luis proudly claims that no one, absolutely no one, can accuse him of unprofessiona­lism. He makes it a point, he said, that for a shooting, taping or for any appointment, never siyang na-late.

Na inaayunan ng kanyang manager na si June Rufino.

 “And always, he is in his element, no matter kung the night before, halos umaga na nang nakarating siya ng bahay.

“Ayaw niyang makakita ng nakasimangot.” Kaya, ‘di siya nagsisimangot.

“Truly, proud ako sa kanya bilang kanyang talent manager,” pahayag ni June.

Wow, June, sana kahit half man lang ng ating mga sikat na young stars ngayon possess the attitude and professionalism ni Luis.

Congrats, Ate Vi, for the way you brought up, Luis.

Gastos sa kasalang Chiz at Heart inaabangan

A little less than three weeks na lang at officially mag-e-exchange “I do’s” na sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Kaya, marami nang tanungan among the netizens, kung magkano raw kaya ang magagasta ng dalawa sa kanilang kasal. Usap-usapan kasi na mga nearly P10M, well, yes P10M, ang nagastos nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang kasal.

Hindi kasama ang nagastos sa kanilang honeymoon in Europe, since balitang courtesy ito ni Dra. Vicki Belo, isa sa kanilang ninang.

Unlike ng kina Dingdong at Marian na sa Immaculate Conception lang in Cubao idinaos ang kasal, ang kina Senator Chiz at Heart ay sa Balesin Island in Quezon Pro­vince magaganap.

To reportedly get to the island, kailangang rumenta ng ilang private plane, para siyang maghatid sa mga ikakasal, sa kanilang kaukulang entourage not to say ang kanilang mga piling bisita, consisting of relatives and friends sa island.

Well, sabi nga, abangan.

Show comments