^

Pang Movies

Suko na Young actor iiwan na ang showbiz, mag-aaral na lang sa ibang bansa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na kinukuha na raw ang young actor ng kanyang amang nasa ibang bansa para ipagpatuloy na lang ang pag-aaral nito dahil nalaman niyang medyo disappointed ang bata sa tinatakbo ng kanyang career?

Ayon sa aming source, parang tatanggapin ng young actor ang alok ng kanyang ama na pag-aralin siya abroad para rin daw sa magandang kinabukasan niya.

Sa ngayon kasi, wala siyang nakikitang malinaw na direksyon sa kanyang showbiz career.

“Actually, last year pa disappointed ang batang ‘yan,” sey pa ng aming source.

“Wala naman daw napupuntahan ang career niya. Hindi raw siya masyadong pinu-push at puro mediocre projects lang ang binibigay sa kanya.

“May ibang talent naman daw siya pero hindi man lang daw iyon pinapansin. Kaya imbes na ma-encourage na ituloy ang kanyang pag-aartista, parang mas gusto na niyang bumalik na lang sa pag-aaral.

“Tatapusin na lang daw ni young actor ang ilang commitments niya sa kanyang kontrata para walang problema kapag umalis na siya.”

Leading man material ang young actor, pero hindi sa kanya napupunta ang mga magagandang roles at sa mga baguhan ito naitotoka.

Anak ni ‘Superman’ magbabalita na sa Sports Center

Maraming televiewers ng programang Sports Center ang nagulat nang biglang may bagong guwa­pong host na kamukha ng yumaong aktor na si Christopher Reeve na nakilala noon bilang si Superman.

Ito nga ang 22-year-old son ni Superman na si Will Reeve at siya ang bagong addition sa SportsCenter.

Ang pagpasok ni Will Reeve sa naturang show ay para makuha ang mas batang demographic ng show. Para sa unang sports coverage ni Will, siya magde-deliver ng update sa Phoenix Open.

“I’ll be different from a traditional SportsCenter report, because I won’t be behind a desk in a suit.

“These stories are not going to appear on air and then fade off—they are going to get an extended life digitally and on social media. Hopefully they would get a kick out of it,” sey pa ni Will.

Pareho na ngang sumakabilang-buhay ang mga magulang ni Will. Namatay noong 2004 si Christopher Reeve dahil sa cardiac arrest at sumunod ang kanyang inang si Dana Reeve noong 2005 dahil sa lung cancer.

“My parents definitely define who I am. My dad and I had a huge bond and shared a love of sports. I would hope they would be proud and say, ‘Great job,’ no matter what. Then my dad would probably tell me to straighten my tie!” pagbiro pa ni Will Reeve.

ANAK

AYON

CHRISTOPHER REEVE

DANA REEVE

PHOENIX OPEN

SPORTS CENTER

WILL REEVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with