MANILA, Philippines – Halos isang taon ding hindi nakagawa ng series si Geoff Eigenmann sa GMA after Adarna. Since then, wala na rin siyang natanggap na fat memo dahil napanatili rin niya ang korte ng kanyang katawan.
Nag-focus siya sa pagwu-work out, jujitsu at pagsali ng mga kumpetisyon upang hindi na raw muli maulit ang paglaki ng kanyang katawan.
Wala siyang babae that time?
“No, girls! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Geoff sa press launch ng bagong programa na Kailan Ba Naging Tama ang Mali?
Choice raw niya ngayong maging single after ng relasyon nila ni Carla Abellana.
“Yeah, choice ko. Ako naman ever since, I wasn’t…’Yung nangliligaw ng full on. Go on date and stuff like that. Ako, I just do my thing. People enjoy my company. I don’t force things,” katwiran ng aktor.
Ready naman daw siyang ma-in love uli basta nagkaroon ng babaeng nagustuhan.
“Ako naman kasi, I just enjoy the company of others. If they want to stay and find time with me, why not?” saad niya.
And enjoy themselves with him?
“Yeah! Ha! Ha! Ha! I guess so! In your words, huh! Ha! Ha! Ha!” tugon naman ni Geoff.
So after ng break up, meron na ba siyang iiwasan ‘pag nagkagusto sa bagong babae?
“Not naman iiwasan. With any relationship naman, as much as possible, ako, I’d like to get to know that person well. Kumbaga, mas okey for me kung ang foundation ninyo is friendship. Because when you start out as friends, wala kayong pretensions with each other. Wala kayong itinatago. It’s all out!
“When you know everything with that person, you jumped into a relationship without…Hindi na kayo magkakagulatan. Kilala mo na siya. Mahirap ‘pag nanligaw ka sa taong hindi mo kilala, when things unfold, nagkakagulatan kayo kasi hindi mo ini-expect na ganoon pala,” paliwanag ng aktor.
Hindi ba ganoon din ang nangyari sa kanila ni Carla na friends din muna bago ang serious relationship? Or the other way around?
“Hindi. I guess I could say we were friends first. Matagal naman bago naging kami. So it’s all in the past,” rason ng aktor.
So ganoon pa rin siya? Friendship muna bago relationship?
“Oo ganoon pa rin para strong ang foundation. But siyempre, the longer the friendship, the better I suppose!” katwiran ni Geoff.
So ano’ng quality ng isang babae ang puwedeng magpaibig sa kanya muli?
“Well…Ano ba? I guess when she’s really honest about the things she feels. Number one ‘yon, honesty. How she feels about being with me. So doon nagsisimula. You work things from that!” dahilan ng aktor.
Meron ba siyang time frame para magkaroon uli ng girlfriend?
“No. I don’t like scheduling things eh. Natural flow lang. Kung ano lang ang mangyari. Nagugustuhan ko siya at nag-i-enjoy ako. If something that I know wouldn’t benefit me, I’d go somewhere else!” tugon niya.
Ayaw niya ng predictability?
“No! Laging spontaneous! Ayoko nu’ng paulit-ulit! And ako, when it comes to planning, it really doesn’t work out! Mas nagugustuhan ko ‘yon. I like surprises!” diin ni Geoff.
Anyway, kasama niya sa Kailan Ba Tama Ang Mali? sina Max Collins, Dion Ignacio, at Empress Schuck. Mapapanood ito sa GMA afternoon prime simula February 9 bilang kapalit ng Ang Lihim ni Annasandra.