Updated sa pagpo-post ng kanilang activities ang The Vamps kaya excited din ang Pinoy fans sa pagdating ng grupo sa Manila.
Successful ang concert ng British boy band sa Sydney Australia kaya hinihintay na rin ng kanilang fans dito sa ‘Pinas. Magkakaroon sila ng concert na The Vamps Live in Manila 2015 sa SM MOA Arena ngayong Linggo (February 1, 2015).
Ang British pop boy band ay binubuo nina Bradley Simsons (19 years old, lead vocalist at guitar), James McVey (20 years old, lead guitar at vocals), Connor Ball (18 years old, bass guitar at vocals), at Tristan Evans (20 years old, drums at vocals).
Sumikat ang The Vamps sa YouTube sa pag-upload nila ng mga cover song. Ang debut single nila ay ang kantang Can We Dance na nag no. 2 sa UK Single Chart. Sinundan agad ito ng second single nilang Wild Heart na naging top 3 sa UK Single Chart. Ang third single nilang Last Night ay hindi nawawala sa top list worldwide hanggang ngayon. Laging hit ang kanilang mga single dahil sa ganda nito at nakaka-relate ang mga bagets tulad ng latest nilang kantang Oh Cecilia na malakas ang recall.
Ang The Vamps Live in Manila 2015 ay handog ng MMI Live, Ovation Productions, at Viva Live.