MANILA, Philippines – Laglag si MJ Lastimosa na representative ng bansa sa katatapos na 2014 Miss Universe na ginanap sa Miami, Florida. Si Miss Columbia ang bagong Miss Universe at second runner up si Miss USA! Ang bet ng karamihan na si Miss Jamaica ay fourth runner-up lang ang nasungkit.
Bidang-bida pa naman ang Pilipinas sa Miss U. Hindi lang dahil kay MJ kundi ang pagiging judge ni Manny Pacquio at ang video clips ng pagbisita ni 2013 Miss Universe sa mga biktima ng Yolanda victims sa Leyte. Maging ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay nabanggit ng host.
Siyempre, may lungkot sa kababayan natin dahil hanggang Top 10 lamang ang achievement ni Ms. Lastimosa. ‘Yung nakaraan nating candidates ay pasok sa Top 5 at umabot pa sa first runner-up, huh!
Pero kesa magmaktol at manisi, ipagbunyi na rin natin ang nangyari kay MJ. Hindi man siya nanalo, panalung-panalo naman ang impression sa ating bansa, huh! Hindi nagtatapos sa Florida ang hangad nating masungkit ang korona ng Miss Universe!
Vilma may cinema event at tatanggap ng 3 award
Tatlong award-winning movies ni Governor Vilma Santos-Recto ang magkakaroon ng screening sa UP Film Institute sa February 5. Ang bongga rito, ni-restore sa high definition ang mga mapapanood na pelikula. Kabilang dito ang Anak na idinirek ni Rory Quintos; Kapag Langit ang Humatol directed by Laurice Guillen at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni direk Chito Roño.
Ayon sa UPFI head na si Noynoy Lauzon, na isinulat ni Mario Bautista sa kanyang Showbiz Portal, “For UP Diliman Month, coinciding with the National Artist Month, celebrates the VI that stands for Victory for All Seasons, Ate Vi times three.”
Si Vilma Santos kasi ang first UP Gawad Plaridel Awardee for Film and recipient of UP Film Institute’s Diwata Award for Distinguished Woman in Cinema.
Sa UP Film Institute ang screening ng tatlong movies Anak – 2:30 p.m.; 5:30 p.m. – Kapag Langit ang Humatol; Bata, Bata – 7:30 p.m.
Bukod sa cinema event para kay Ate Vi, tatanggap naman siya ng Ani ng Dangal Award mula sa National Commission for Culture and the Arts sa February 12, Thursday. Isasabay ito sa 7th Ani ng Dangal ceremony na gaganapin sa Old Senate House Hall of the National Musem of the Philippines sa Padre Burgos St., Manila.
Hinirang si Governor Vi dahil sa international achievement niya sa 13th Dhaka International Film Festival kung saan nagbigay siya ng honor at pride sa bansa nang manalo ng Best Actress para sa pelikulang Ekstra.
Ang award na ibinigay kay Gov. Vi ay idi-display sa Ani ng Dangal exhibit na magaganap ngayong buwan.
Congratulations, Governor Vilma Santos-Recto!
Frencheska nakabuo ng kanta sa masamang karanasan
Personal na isinulat ni Frencheska Farr ang bagong single na Let My Fire Out. Ayon sa kanya, nang sulatin niya ang kanta ay meron daw siyang pinagdaraanan sa buhay pero hindi ‘yon sa kanyang love life kundi sa family at personal life.
“’Yung parang wala kang magawa at napu-frustrate ka lang dahil hindi mo control ang sitwasyon. That time, na-realize ko na siguro, kailangan ko lang tanggapin kung sino ako! Kasi ‘yung kanta represent my fears at kung sino ang pagkatao ko dati.
“Alam ninyo ‘yung dark past na gusto ninyong kalimutan?” paliwanag ni Frencheska sa pocket interview ng GMA Artists Center.
Agad itinanggi ni Frencheska na may kinalaman sa gender issue ang dark past na ‘yon.
“Wala po akong issue sa gender! Ha! Ha! Ha! Wala! Sa takbo lang ‘yon ng buhay,” saad niya.
Expression daw ng kanyang acceptance ng past experiences niya ang nais ipahatid at ipadama ng kanta. Bukod sa pagbabalik sa pagkanta, napapanood din siya sa GMA series na Second Chances at mada-download ang Let My Fire Out sa iTunes.