Janine gustung-gusto nang mag-solo, nasisikipan na sa kanilang bahay

Maingat si Janine Gutierrez sa kanyang mga kinikita mula sa mga ginagawa niyang teleserye at endorsements.

Nag-iipon ang Kapuso leading lady para makabili ito ng sarili niyang condo unit.

Iniisip na rin ni Janine na may sarili na siyang lugar para makapagpundar na rin siya ng mga sarili niyang gamit at magandang investment ang pagkuha niya ng isang condo unit.

Para na rin daw may mapaglagyan si Janine ng kanyang mga gamit dahil sumisikip na raw ang kuwarto niya kung saan ka-share niya ang sister niyang si Maxene.

“Dahil po sa shows ko na More Than Words at Sunday All Stars, dumarami na po mga gamit ko.

“Tapos, kinuha pa po akong endorser ng Boardwalk kaya ang dami ko na naman pong mga damit.

“Isama na po natin ‘yung mga bigay ng mga fans sa akin. Lahat po iyon tinatago ko. Kaya nawawalan na po ng lugar sa room ko. So I really need na my own place,”

Hindi naman daw mahihirapan si Janine na makaipon ng pambili ng kanyang condo dahil matipid ito at panay ang ipon nito sa kanyang mga talent fees.

“Hindi naman po kasi ako magastos. Lahat ng mga kinikita ko ay naitatabi ko.

“Yun po ang pangaral sa akin ni mommy (Lotlot de Leon) na habang bata pa ako at kumikita ako, ipon lang nang ipon. Isipin ko raw ang magiging future ko.

“Kaya lahat naman po ng financial advise ni mommy sa akin ay sinusunod ko po,” ngiti pa ni Janine.

May nahanap na nga raw na gusto niyang condo si Janine at dasal niya na mapunta sa kanya ito.

“May mga negotiations pa po na nagaganap. But God-willing, kung para sa akin ‘yung condo na iyon, ibibigay ni God.”

Istorya ni Oryang unang historical film ni Direk Jeffrey

Dahil tapos na ang Be Careful With My Heart, balik sa paggawa ng pelikula ang award-winning director na si Jeffrey Jeturian.

Para sa paggawa ulit ng movie ni Direk Jeffrey, kuwento ng Philippine heroine na si Gregoria de Jesus ang kanyang gagawin at kasama niya rito ang mahusay ding indie director na si Ellen Ongkeko-Marfil.

May titulong Lakambini (Woman Leader) ang pelikula tungkol kay Gregoria de Jesus o mas kilala sa palayaw nitong Oryang.

Nauuso na nga ang paggawa ng mga pelikula tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Kailan lang ay ginawa ni Robin Padilla ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo at malapit na rin ipalabas ang Heneral Luna.

Nakilala nga si Oryang bilang “Mother of the Philippine Revolution” at dahil asawa nga siya ni Bonifacio.

Ang susulat ng script para sa Lakambini ay si Rody Vera at makakasama pa sa team ng pelikula ay ang cinematographer na si Neil Daza at ang musical director na si Lutgardo Labad.

Kahit na nga may sinimulan na ulit na teleserye si Direk Jeffrey na Dream Dad, tinanggap pa rin niya ang pagsamahan nilang idirek ni Direk Ellen ang Lakambini.

“It’s going to be my first historical film. It’s not every day that you get hold of a story like this that has a big value in terms of nation building and civic consciousness,” sey pa ni Direk Jeffrey.

 

Show comments