^

Pang Movies

Vilma wala pang karanasan sa pagwewelga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung tutuusin, dahil sa mga ginagawa ni Gover­nor Vilma Santos, lalo na ang kanyang paglaban sa mga bisyo sa kanilang probinsiya, hindi nga malayong may mag-isip din ng masa­ma sa kanya. Natatandaan namin noong mayor pa lang siya ng Lipa, may nagbanta nang mga drug lord sa kan­ya, pero lahat ng mga iyon ay dahil sa mab­uti niyang ginagawa. Siguro maipagmamalaki naman ni Ate Vi, kung nagkakaroon man ng ganoon, hindi naman dahil sa kung ano’ng atraso kundi dahil ginagawa niya ang mabuti sa kanyang panunungkulan.

Iyon naman ang sinasabi ni Ate Vi, basta sa kanya walang compromise talaga. Basta mali, sinasabi niyang mali at kailangang mapatigil agad.

Inamin din naman niya, bilang isang babaeng may pamilya iniisip niya ang kanyang kaligtasan. Lalo na ang kaligtasan ng kanyang mga anak. Pero hindi siya natatakot kung sa mga ganyang banta-banta lang sa kanya. Kung ano ang tama ay siya niyang ginagawa.

Inamin din ni Ate Vi, na sa siyam na taon niya bilang governor ng Batangas, ka­hit na sabihin niyang lahat halos ay natutuwa sa kanyang panunungkulan, alam niyang may ilang nagagalit din dahil pinahinto niya ang ilang bagay na sa palagay niya ay hindi dapat kunsintihin sa probin­siya. Inamin niyang ku­lang din naman ang kanyang katawan. Kulang din kahit na sabihin pang may vice governor siya at mga pinagkakatiwalaan. Alam niyang may nakakalusot pa rin paminsan-minsan, pero oras na makarating daw ang mga ma­ling gawain sa kanya ginagawan niya agad ng aksiyon, kahit na sino pa ang tamaan.

Ang sinasabi nga lang ni Gov. Vi, natutuwa siya at sa araw-araw na nakakaharap niya ang kanyang mga kababayang nagpupunta sa kapitolyo. Wala isa man siyang nakausap na inireklamo ang serbisyo ng kanilang gobyerno.

“At least ang hindi ko pa naranasan ay iyong may nag-rally sa harap ng kapitolyo dahil sa masamang serbisyo,” sabi pa ni Ate Vi.          

Istorya nakakaintriga scriptwriter ng bagong serye ni Marian gustong ‘magpakamatay’!

Natawa kami sa post ng scriptwriter na si Suzette Doctolero sa kanyang Facebook account na “I don’t need enemies – pinakamatinding kaaway ng TV writer ang sarili niya lalo na kapag nagsusulat siya ng pilot week, promise. Bakit? Bakit ko inisip gawin ang concept na ito? I swear gusto kong patayin ang sarili ko.” Si Suzette ang sumusulat ng bagong drama series na gagawin ni Ma­rian Rivera-Dantes sa GMA Network. Original story ito at ano kaya ang character na gagampanan ni Marian?

Julian kinakarir ang pagiging K-Pop artist

No wonder na hindi muna namin napapanood si Julian Trono sa shows ng GMA-7 kahit mahusay siyang sumayaw at marunong ding umarte. May bago kasi siyang pinaghahandaan na siguradong mag-aangat sa kanyang career. Pumirma si Julian ng kontrata sa JU Entertainment and Music Contents Inc., isang Philippine company na may Korean counterpart. Sa pamamagitan nila, sasailalim sa training ang teen actor sa Korean Pop (K-Pop) system na kahit mahusay na siyang sumayaw, mas marami pa siyang pag-aaralan at may voice lessons din siya sa mga Korean instructors. Nagri-record na siya ng mga songs sa album at isu-shoot ang isang music video na makakasama niya ang isang mahusay na Korean rapper na darating sa bansa.

On his part, nag-research din si Julian ng tungkol sa K-Pop music at sa mga natuklasan niya, nalaman niya kung bakit maraming Pinoy ang humahanga sa kanilang music at sa mga artists nila na pinagkakaguluhan kapag dumating sa ating bansa.

Mayor Erap hindi binibigyan ng US Visa since 2008

Matapos magtagumpay si former President and now Manila Mayor Joseph Estrada laban sa disqualification case filed against him nang siya ang paboran ng Supreme Court, inimbita siya ni Professor Winnie Monsod sa programa nitong Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie na mapapanood mamaya, 10:15 p.m., sa GMA News TV Channel 11.

May ilang revelations si Mayor Erap tulad nang mula pa pala 2008 ay hindi na siya nakabiyahe sa Amerika dahil hindi siya binigyan ng US Visa. Bakit kaya? May order ba ang US government na hindi niya sinunod? 

 

ATE VI

BAKIT

KANYANG

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with