^

Pang Movies

Papa Jack magpapakilig na rin sa TV

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Natawa ako nang ma-meet ko in person itong popular DJ ng Love Radio na si Papa Jack. Siya kasi ay naririnig ko lamang sa kanyang programa at ang forte niya ay tungkol sa pag-ibig. Iba’t bang uri ng problema sa pag-ibig ang kanyang topic. May masaya, may malungkot, at may sawi rin. Maririnig mo si Papa Jack na nagpapayo ng kung ano ang dapat gawin sa love problems ng kanyang mga caller. Pero matatawa ka dahil nagagalit din siya sa mga ito. Especially kapag sobrang naaapi ang kanyang caller o ang mga humihingi ng payo na karamihan ay babae.

Inamin naman ng famous DJ na after niyang magmura, ay forget na niya ang kanyang ginawa. Kumbaga, bugso lamang daw iyon ng damdamin. Very apologetic naman siya sa kanila at sa libu-libong Love Radio fans and listeners.

Kung kayo ay kinikilig na kay Papa Jack kahit boses lamang ang inyong napakikinggan sa radio,  lalo kayong kikiligin dahil simula sa January 24, Saturday sa ganap na ika-10 ng gabi ay inyo nang mapapanood sa TV ang matangkad, guwapo, flawless, macho at mabangong DJ. May TV show na kasi siya sa TV5 na Call me Papa Jack.

Special guest ng show si Manila Vice Mayor Isko Moreno na matagal na niyang kaibigan. Mara­ming revelations sa pagkatao ni Vice Mayor Isko na huhubaran si Papa Jack sa initial telecast ng kanyang TV program.

Kasama rin as guest sina Julia Clarete, Bianca King, Ynna Asistio at ang current talk of the town na teen heartthrob na si Bret Jackson.

Ano kaya ang pagkakaiba nila ng isa pang kilalang DJ na si Joe D’ Mango na love affairs din ang tema ng show? E, idol pala ni Papa Jack si Joe D’ Mango.

Isa lamang ito sa mga new TV shows ng TV5 na siguradong papatok sa masa.

Mga Pinoy nagkaisa sa pagbisita ni Pope Francis

Feeling ko blessed na rin ako sa panonood pa lamang ng TV coverage ng TV5, GMA-7, ABS-CBN at ibang TV channels sa ilang araw na paglalagi ni Pope Francis dito sa Pilipinas last week. Alam ko, lahat tayong mga Pilipino, mahirap man o mayaman ay nagkaisa nang ating naramdaman at nakita ang pagkadakila ng Santo Papa Francisco. Ang lahat ng nagdarasal ay lalong humigpit ang paniniwala sa ating Panginoon. At feeling ko, natauhan ang ilan nating kababayan na sarado ang palad at puso, lalo na iyong mga sobrang hirap sa buhay, na humihingi ng kaun­ting tulong para lamang makakain.

Hanga rin ako sa mga kapulisan natin na napanatiling maayos ang pagbisita ni Pope Francis. Bless us Pope Francis, lalo na ang mga mahihirap.

Salamat po sa pagbisita sa aming bansa. May the good Lord bless you too!

vuukle comment

BIANCA KING

BRET JACKSON

ISKO MORENO

JOE D

LOVE RADIO

PAPA JACK

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with