Nakarating na pala kay Robin Padilla ang balita na diumano, nagkabalikan ang kanyang anak na si Kylie at ang ex-boyfriend nito na si Aljur Abrenica.
Ang sey ni Robin, hindi pa sila nagkakausap ni Kylie tungkol sa isyu pero kung nasubaybayan natin ang love story ng dalawa, obvious na hindi magiging happy ang sikat na action star sa report na hindi pa naman kumpirmado.
Vocal noon si Robin sa pagsasalita laban kay Aljur. Hindi niya kasi nagustuhan ang pakikipaghiwalay ni Aljur sa kanyang anak sa pamamagitan lamang ng isang overseas call.
Bilang ama na protective sa anak na babae, hindi natin masisisi si Robin kung hindi siya pabor na magkaroon ng Part 2 ang love affair nina Kylie at Aljur.
Si Robin pa na ubod ng gentleman at ayaw na ayaw na may mga babae na biktima ng pang-aagrabyado?
Joey Marquez absuwelto rin sa kasong Graft
Bukod kay Manila City Mayor Joseph Estrada, happiest man on earth din si Joey Marquez dahil abswelto ito sa graft case na isinampa laban sa kanya noong alkalde pa siya ng Parañaque City.
Idinemanda si Joey dahil sa overpriced ammunition na hindi raw dumaan sa bidding.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagdinig sa kaso, lumabas kahapon ang desisyon ng korte, abswelto si Joey na tuwang-tuwa dahil nabawasan ang mga problema niya.
Lambingan nina Aiza At Liza hindi na pinapansin
Na-sight kahapon sa isang barber shop sa Quezon City si Aiza Seguerra at ang kanyang misis na si Liza Dino.
Happy couple ang dalawa, kasama ang kanilang only daughter.
Sanay na ang mga tao na nakikita na lovey dovey sina Liza at Aiza kaya dedma sila sa presence ng mag-dyowa.
Robin at Rommel sanay na sa pagpapa-sexy ni BB
Excited na si BB Gandanghari sa nalalapit na airing ng 2 1/2 Daddies, ang sitcom ng TV5 na pinagbibidahan nila ng kanyang mga kapatid na sina Robin at Rommel Padilla.
Matagal nang walang regular TV show si BB at ngayon lamang sila nagkasama ng mga kapatid niya sa isang sitcom kaya doble ang kanyang excitement.
Tanggap na tanggap na nina Robin at Rommel ang bagong katauhan ni BB.
Malaya na si BB sa pagsusuot ng kanyang mga sexy outfit dahil hindi na kumokontra sina Robin at Rommel.
At tunay na apo pala ni Rommel ang baby girl na starring sa 2 1/2 Daddies.
Anak ni RJ Padilla ang bagets pero ayaw ni Rommel na tinatawag ito na lolo.
Imbes na apo, anak ng anak niya ang pakilala ni Rommel sa cute baby girl na may showbiz career sa murang edad. Ang sitcom ng kanyang mga lolo ang first television exposure ng lucky bagets.