Lumabas ang pagiging bungisngis ni Derek Ramsay dahil kay Empoy Marquez, ang co-star niya sa bagong sitcom ng TV5 na Mac & Chiz.
Seryoso ngang aktor si Derek pero hindi raw niya mapigilan ang matawa kapag kaeksena na niya si Empoy na gumaganap na kakambal niya.
“For the first time, hindi ko nakakalimutan ang mga linya ko, lalo na kapag kaharap ko si Empoy. Kahit hindi siya nagsasalita at tinitingnan lang niya ako, natatawa na ako sa kanya.
“Kaya nakiusap ako na kapag may eksena kami, sana huwag siyang titingin sa akin kasi nakakalimutan ko ang mga lines ko.
“Gano’n ka-effective si Empoy na magpatawa kasi ako mismo, nakakalimutan ko ang mga dapat kong sabihin kapag kaeksena ko siya,” natatawang kuwento pa ni Derek.
Nagpapasalamat nga si Derek na natapos ang 2014 na naging maayos ang lahat sa buhay niya.
Pinakaimportante sa lahat ay nagkaayos sila ng kanyang anak na si Austin. Tapos ay nanalo ba siya ng best actor award sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa surprise hit na English Only, Please.
“Life has been good. God has been good to me lalo na noong patapos na ang 2014.
“Biglang dumating lahat ng blessings. Kaya heto sinisimulan natin ng maganda ang 2015.
“Wish ko na maging maayos na ito. Kung puwede nating iwasan ang intriga, iwasan natin. Sobra kasi tayong nabugbog ng intriga last year.
“Going back to what I’ve said about life, we all make mistakes. The important thing is you learn from them, you move forward, and you don’t repeat them,” pagtatapos pa ni Derek Ramsay.
Kahit kumikita na ng malaki, Juancho wala pang planong iwan ang pamilya
Villa Quintana pa ang huling teleserye ng Kapuso young actor na si Juancho Trivino, pero regular naman siyang napapanood sa gag show na Bubble Gang.
May sinabi na raw sa kanya na may sisimulan siyang bagong teleserye kaya hinihintay na lang niya kung kailan ito magsisimula.
“Okey lang naman po na isa lang muna ang regular show ko. Kapag may mga regional shows naman po ang GMA-7, nakakasama ako.
“Tapos babalik po ako sa school. One year na lang ako sa course ko na B.S. Entrepreneurial sa De La Salle University. Kaya gusto ko na pong tapusin iyon.
“I’m already 21 years old at sana by this time naka-graduate na ako. Kaya pagsisikapan kong makatapos at makakuha ng college diploma,” sey pa ni Juancho.
Kahit na kumikita na si Juancho ay wala pa itong balak na magsarili dahil mami-miss daw niya ang kanyang pamilya.
“Sobra kaming close ng family ko. Kaming limang magkakapatid, kami-kami ang magbabarkada. Kaya ayoko munang mahiwalay sa kanila.
“Pero siyempre, nandun na rin ang plans ko na may pag-iipunan ako for myself. Sa ngayon, sasakyan muna ang nabili ko. Second-hand car muna ang kaya ko kasi kailangan ko siya sa trabaho.
“Yung iba naman na nasa listahan ko, paunti-unti nating pag-iipunan lahat ‘yan. Paisa-isa muna lahat.”
Isa nga si Juancho sa mga bagong endorsers ng fashion retail brand na Boardwalk para sa kanilang 2015 collection.
Jennifer Aniston tinapos na ang problema nila ni Angelina Jolie
Gusto na ngang tuldukan ni Jennifer Aniston ang usap-usapan sa kanila ni Angelina Jolie.
Ginawa kasing big deal ng ibang media people ang muntik nang pagsasalubong ng dalawa sa red carpet ng kakaganap lamang na Critic’s Choice Awards.
Para sa bida ng pelikulang Cake, gusto na niyang mag-move on na ang lahat sa matagal nang issue na ito dahil kasal na nga ang ex-husband niyang si Brad Pitt kay Angelina at engaged na siya sa aktor na si Justin Theroux.
“It’s just tiresome and old. It’s like an old leather shoe. Let’s buy a new pair of shiny shoes,” sey pa ni Jennifer sa kanyang interview with Entertainment Tonight.
Nang hingan ng komento si Jennifer tungkol sa pelikulang dinirek ni Angelina na Unbroken, maganda ang sinabi niya tungkol dito at hindi ang inaasahan ng marami na magno-no comment ito.
“That movie is so beautiful and wonderful and she did such a gorgeous job.
“I think that it’s time people stop with that petty BS and just start celebrating great work and stop with the petty kind of silliness.”