MANILA, Philippines - Malaki pala ang paghahatiang properties ng mga anak ni Dolphy kung matutuloy ang binabalak na auction sa mga ito.
Ayaw naman mag-comment ng New Wave Best Actress na si Zsa Zsa Padilla tungkol dito at mukhang hindi naman siya kasali sa hatiang ito. May tsika noon na balak niyang ibenta ang Marina property na tinirhan nila ni Dolphy at mga anak noong nabubuhay pa ito. Pero kumontra raw ang anak kaya hindi natuloy.
Gusto na kasi sigurong kalimutan ni Zsa Zsa ang mga alaala nila ng namayapang komedyante although may iba pa silang naipundar somewhere in Batangas.
Alam naman ng lahat na may bagong lovelife ang Divine Diva pero wala pa sa isip nito ang magpakasal. Puno raw ang schedule niya this 2015 kaya malamang sa 2016 pataas pa.
Si Zsa Zsa ay abala sa promo ng pelikula nilang M kung saan nakuha niya ang Best Actress trophy sa New Wave section ng katatapos na 2014 Metro Manila Film Festival o MMFF. Kaya ipapalabas muli ito sa Miyerkules, January 21.
VINA AYAW NANG MAKITA ANG AMA NG ANAK
Sa anak naka-focus ang buhay ni Vina Morales. Masaya raw ang buhay niya ngayon at ayaw na niyang balikan ang nakaraan niya. May natutunan daw siya sa mga naging experience niya. Wala na siyang balak na makipag-usap pa sa ama ng kanyang anak na alam naman ng lahat na may ongoing na kaso laban kay Vhong Navarro.
Si Vina ay kasama sa cast ng Nasaan Ka Nung Kailangan Kita na isang teleserye sa ABS-CBN. Isang pelikula ito noon na pinagbibidahan ni Susan Roces. Kaya malaking challenge raw ito kay Vina na hindi man mapantayan ang movie queen ay magampanan niya ito ng ayos. Sa Jan. 19 ito magpa-pilot sa Kapamilya network.