Life story ng binging beauty queen, gagampanan ni Venus

MANILA, Philippines - Itatampok sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Enero 17) ang life story ng binging beauty queen na si Christine Balaguer, isa sa Top 13 candidates sa Miss World Philippines pageant ngayong taon. Gaganap bilang Christine ang Miss Universe Philippines 2010 na si Venus Raj. 

Tuklasin kung paano namuhay si Christine na puno ng pangarap at pag-asa at gaano niya nabibigyang inspirasyon ang mga gaya niyang pipi at bingi at iba pang may pisikal na kapansanan na patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap. 

Tampok rin sa upcoming MMK episode sina Carmi Martin, Matt Evans, Anna Luna, Brenna Garcia, Dexie Daulat, Marnie Lapus, EJ Jallorina, at Lui Manansala. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Ruel Montañez.

Show comments