No wedding bells yet this year for 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress of the New Wave division M (My Mother’s Maiden Name), Zsa Zsa Padilla.
“Ewan ko kung papayagan ako ng parents ko na magpakasal na,” nagbibirong sagot ni Zsa Zsa sa pocket presscon ng movie na ipalalabas na sa January 21 in theatres nationwide. “Hindi pa, wala pang plano, pero kasal o hindi, doesn’t matter. I’ve lived with Dolphy for 23 years without marriage, what is important kung mahal naman ninyo ang isa’t isa ng iyong boyfriend. No, hindi naman ako takot magpakasal, I still believe in marriage, pero parang ayaw ko na rin after na hindi natuloy ang kasal namin noon ni Dolphy. Pero hindi naman ako nagsasalita nang patapos. I’m just happy with my life now. What I’m very eager, magkaroon na ng apo, pero mukhang wala pang balak sina Yael at Karylle na magka-baby, ako ready nang maging lola, pero sila ayaw pa nila. I think both of them ay marami pang gustong gawin sa buhay nila.”
Noong presscon lamang natanggap ni Zsa Zsa ang best actress trophy niya, at tulad sa dalawang beses na niyang nakatanggap ng highest award ng isang actress, nag-lit-up daw ang eyes niya at nagpasalamat. Nag-sorry rin siya na hindi siya naka-attend ng awards night dahil nasa Coron, Palawan siya noon. Through text daw niya nalaman na siya ang nanalo for M na nanalo rin ng Special Jury Prize during the MMFF.
Sa M na idinirek ni Zig Dulay, isang matapang na lawyer si Bella Monteclaro (Zsa Zsa), pero nagkaroon siya ng pancreatic cancer na puwede namang ma-treat pero hindi puwedeng gumaling. During the treatment, pinilit niyang makasama niya ang anak na si Joven (Nico Alonso) na malayo ang loob sa kanya. Si Joven na questionable ang gender, ay na-realize kung bakit ganoon ang ugali ng ina, hindi para lamang ipaglaban ang sarili sa sakit kundi para maprotektahan din siya. During the times na magkasama sila, may mga moments na mapapatawa ang mga manonood, kaya kahit malungkot ang tema ng movie, nagiging light ito dahil sa mga ganoong moments.
All praises naman si Zsa Zsa kay Direk Zig na siya ring sumulat ng story, based sa relasyon nila ng kanyang ina bago ito nawala. Ganoon din naman ang paghanga ni Direk Zig kay Zsa Zsa sa respeto sa kanya sa pagsasabi nitong kung may mali siyang gagawin sa eksena, huwag siyang magdalawang-isip na sabihan siya ng take two dahil first time lamang niyang nakatrabaho ang napakabait na director.
Nagsimula na ring mag-record ng bagong album si Zsa Zsa. Untitled pa ito but to be released by PolyEast Records. Pinaghahandaan na rin ni Zsa Zsa ang coming Valentine concert niya on Friday, February 14 titled Beginnings to be directed by Mr. M, sa Music Museum. Very special guests niya sina Ogie Alcasid at Piolo Pascual.