Kaya waley best actress: Vina tanggap na hindi pang-award ang acting sa Bonifacio!

Si Vina Morales ang lead star sa TV remake ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Ga­gampanan niya ang role na ginawa ni Susan Roces sa film version ng pelikula noong 80s. Nakakatuwa naman at nabigyang muli ng pagkakataong maging bida si Vina, at iyan pa ay nasa Kapamilya Gold, ibig sabihin pasok sa prime time.

Magandang follow-up iyan sa kanyang ginawang pelikulang Bonifacio, Ang Unang Pangulo para sa nagtapos na Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi nga maganda ang naging resulta ng pelikulang iyon sa takilya dahil sinasabing siguro nga ay hindi napapanahon, pero umani naman iyon ng maraming awards, at napuri ang acting ni Vina. In fact, ang sinasabi nga ay dapat nanalo rin siya ng award.

Pero sinasabi nga ni Vina, hindi naman siya particular sa mga award, basta ang mahalaga sa kanya ay iyong alam niyang nagampanan niya nang tama ang role na ibinigay sa kanya, at satisfied naman ang kanyang fans sa napanood nila.

Matagal din namang hindi napanood bilang isang aktres si Vina. Masyado kasi siyang naging concentrated sa kanyang pagkanta. Ang katuwiran niya, kung concert lang, sandali lang iyon at mas may panahon siya sa pag-aalaga sa kanyang anak. Eh kung teleserye nga naman, maghapon ang taping at kung minsan ay inaabot pa hanggang madaling araw, at three times a week iyon. Pero kung ang darating naman sa iyo ay isang napakagandang offer kagaya nga niyang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, mahirap namang tanggihan iyan.

Sabi nga ni Vina, excited siya sa kanilang serye.

Janella napili ng mga madre ng St. Teresa

Si Janella Salvador naman ang nabigyan ng break bilang lead star ng Oh My G! na mapapanood din sa ABS-CBN.                                

Iyan bale ang kapalit ng Be Careful with My Heart. Pero nagulat kami nang malaman namin na ang seryeng iyan ay inspired sa mga turo ni St. Teresa of Avila, na siyang nagpasimula ng reporma sa Carmelite Order, kasama ni St. John of the Cross.

Hiniling daw kasi ng mga madreng Carmelita kay Charo Santos mismo na sana magkaroon sila ng isang serye na inspired naman ng mga turo ni St. Teresa. Kilala kasi ang ABS-CBN sa mga religious dramas, at mataas ang ratings ng mga iyon. Kaya naman naisip nga nila iyang Oh My G, na iyong principles na makikita ay batay nga sa mga pangaral ng kinikilalang pinuno ng mga Carmelita.

Maganda naman ang ganyan, na hindi lang basta isang drama na nakakaaliw kundi may napupulot na magandang values ang mga manonood.

Nagbebenta ng mga peke: Dating sexy actor at dancer mandurugas!

Sabi ng aming source, “mandurugas na ngayon” ang isang dating sexy actor at dancer noong araw. Ngayon nag-aalok siya ng kung anu-ano sa kanyang mga kakilala, at kung magkasundo silang magbentahan, dadalhin niya ang ibinebenta niya, pero magmamadaling umalis pagkakuha ng bayad. Hindi niya bibigyan ng panahon para makita muna ng bumili ang kanyang ibinenta, dahil wala palang laman iyon. Mandurugas nga.

 

Show comments