^

Pang Movies

Napili ng kaparian Nora mahahalikan ang kamay ni Pope Francis!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napakapalad ni Superstar Nora Aunor, dahil among our movie celebrities, isa siya sa napiling makaharap at humalik sa kamay at singsing ng Santo Papa. Napili si Nora ng Catholic group para isamang humarap kay Pope Francis si Ate Guy.

Reyna ng masa si Nora at hindi artistang niretoke lang ng mga makabagong siyensya. Pinili nila ang original na ganda ng Pinay na ‘di tulad ng karamihan sa showbiz na mga ‘salamat dok’ ang beauty.

Kinunsidera rin nila ang pagi­ging madasalin ni Nora at hindi pulos pera at raket lang ang laman ng utak.

Sana maging matatag at ligtas ang mga lugar na pupuntahan ng Santo Papa para na rin sa kaligtasan ng mga dadalo.

Ruru matagumpay na nakapagpaiyak

Cry me a river ang mga nakapanood ng episode ng Magpakailanman sa GMA na tinatampukan nina Ruru Madrid, Miggs Cuaderno, at Angeli Bayani. Kuwento ito ng tatlong magkakapatid na iniwan ng mga magulang na ayaw maghiwalay noong ampunin na.

Tampok din dito sina Angelica dela Cruz at Leandro Baldemor, na pawang mga alaga ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Boobay matalino ang mga atake

Nakapag-aral sa UP ang ko­medyanteng si Boobay na umaani ng tagumpay ngayon sa GMA. Halatang nakakapag-research siya tuwing nagbibigay ng kumento sa mga sumasali sa Celebrity Bluff ni Eugene Domingo at Jose Manalo.

May show sa Dubai si Boobay next month.

Keempee hindi puwedeng mapagod kaya tsinugi agad sa serye?!

Nagtatampo ang fans ni Keempee de Leon dahil tinigok agad ang kanilang idolo sa teleseryeng Once Upon A Kiss.

Pinasagasaan kasi ng karakter ni Micheal de Mesa ang aktor sa truck. May komento namang hindi puwedeng magbabad sa trabaho at magpuyat si Keempee dahil lumalabas na siya sa Eat Bulaga, araw-araw.

Oo nga naman, in fairness.    

vuukle comment

ANGELI BAYANI

ATE GUY

BOOBAY

CELEBRITY BLUFF

DIREK MARYO J

KEEMPEE

NORA

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with