Pagkatapos ng very successful horror film niyang Feng Shui 2, sasabak naman sa comedy si Coco Martin, and this time, makakasama niya ang isa sa mga box-office stars ng Star Cinema at matalik niyang kaibigang si Vice Ganda na umani rin ng malaking tagumpay sa pelikula niyang The Amazing Praybeyt Benjamin.
Ayon kay Coco, bilang isang artista, importante na masubukan ang lahat ng klase ng genre para lalong mahasa ang kaalaman sa pag-arte.
Bukod dito, first time nilang magkakasama sa pelikula ni Vice Ganda na hindi pa man sila sikat pareho ay true friend na niya. Dati na silang nagkasama sa Juan dela Cruz nang mag-guest ang comedian sa serye pero sandali lang ito.
May gagawin din silang romcom movie ni Toni Gonzaga this year. Super thankful ang aktor na pinagkakatiwalaan daw siya ng Star Cinema na bigyan ng mga proyekto.
Siyempre, gusto rin ni Coco na makagawa ng teleserye this 2015 pero as of now, wala pang balita from ABS-CBN management kung kailan ang next TV project ng aktor lalo pa nga’t naglabas na sila ng kanilang upcoming shows for the first quarter of the year.
Kaya definitely, no Coco M. muna ngayong first quarter at tingnan na lang natin sa 2nd quarter kung mapapanood na natin ang magaling na aktor.
Alexa at Nash natutong makinig sa mga magulang
At 14, bilib naman kami kay Alexa Ilacad kung paano siya sumagot sa mga katanungan sa kanya ng entertainment press. Sa thanksgiving presscon kasi ng Bagito ay natanong ang pretty teener kung may posibilidad ba na ma-in love siya sa isang batang ama tulad ng papel ni Nash Aguas sa serye.
“Kung ‘yung taong ‘yun, eh katulad ni Camille at ni Drew (karakter nila ni Nash sa Bagito), na ‘yung relationship nila, na-establish na since sobrang bata pa lang nila, magkaibigan na sila at alam ko naman po na ‘yung taong ‘yun, eh mabuti naman talaga at nakagawa lang ng mali, hindi naman forever siyang dapat husgahan.
“Kung mahal ko siya, kailangan ko pa ring i-accept kung sino siya at mapapamahal na rin ako du’n sa baby niya,” sagot ni Alexa.
Bukod dito, ayon sa young star, marami raw siyang lesson na natutunan habang ginagawa nila ang Bagito.
“Na huwag po munang magmadali dahil darating ka rin naman sa mga bagay na gusto mong gawin, and always, always listen to your parents because they know what’s right. Talaga pong they know.
“Minsan, ‘yung mga bata, iniisip nila, “ay alam ko na ‘yan, bakit kailangang ulit-ulitin?” Pero ang totoo, they’re just doing that para rin naman sa ‘yo, hindi naman sila natutuwa sa paulit-ulit nilang pagsasabi pero para sa ‘yo rin naman ang sinasabi nila.
“And natutunan ko rin po na even though you made a mistake, kaya mo pang bumangon and ayusin ‘yung buhay mo. Na kahit, dina-judge ka ng ibang tao, importante, alam mo sarili mo at hindi ka ganu’n.
“So, kaya mong buwawi, kailangan mo lang talaga ng guidance and since you learned naman from your mistake, alam mo na ang dapat at hindi dapat,” matalinong sagot ni Alexa na talaga namang ikinamangha ng entertainment press.
Ayon naman kay Nash, natutunan daw niya sa serye na matutong itama ang mga pagkamamali at huwag hayaang igupo ang sarili ng mga pagkakamaling iyon.
“Kailangang itama mo at gawan ng solusyon ang mga pagkamamaling ginawa mo at mas hahanga pa ang mga tao sa ‘yo na kahit nakagawa ka ng pagkakamali ay nagawa mong tumayo ulit,” say ni Nash.