Reyna ng Travel Show na si Susan Calo-Medina pumanaw na!
Isa kami sa nalungkot sa pagpanaw ng veteran culture and travel TV host na si Susan Calo-Medina.
Sumakabilang-buhay ang TV veteran na nakilala bilang TV’s Queen of Travel noong nakaraang January 9 sa edad na 73.
Kinumpirma ito ng National Commission for the Culture and the Arts (NCAA) sa pamamagitan ng kanilang Facebook account:
“Our most sincere condolences to the family of Travel Time host Ms. Susan Calo Medina who passed away today. She was a former member of the NCCA’s National Committee on Communication.”
Si Ms. Susan ang producer and host ng longest-running travel show na Travel Time na nagsimula pa noong 1986. Isa nga ito sa inaabangan naming TV show parati noong nasa IBC-13 pa ito.
Hindi namin malilimutan ang parating linya ni Ms. Susan kapag patapos na ang kanyang show: “Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!”
Nagkaroon kami ng pagkakataong makapanayam si Ms. Susan in 1988 noong college sophomore pa kami sa UST. May ginawa kaming isang report tungkol sa kanyang travel show.
Sa Sanctuario de San Antonio, Forbes Park in Makati City nakaburol ang mga labi ni Ms. Susan.
Condolence sa mga naiwang pamilya at kamag-anak ni Ms. Susan Calo-Medina. May your soul travel safely to heaven.
Jennylyn handa nang makipagbati kay Luis!
Wala nga raw issue kay Jennylyn Mercado kung magiging kaibigan niya ang kanyang ex-boyfriends.
Para sa bida ng teleseryeng Second Chances, mas maganda kung magiging friends sila ng mga lalaking nakarelasyon niya noon kesa sa maging mga magkaaway.
“Ako naman, kapag nakaraan na, tapos na ‘yun. Lahat naman tayo nagkakamali, eh. Hindi tayo mga perfect na tao sa mundong ito.
“Yung pag-accept mo na lang ng truth na nagkamali ka sa pagsasama ninyo ang importanteng bagay talaga. Kasi hindi ka makaka-move on kung hanggang ngayon ay dala-dala mo ‘yun.
“Kaya ako, kung kailangan na kausapin ko pa ang taong ito, gagawin ko kasi wala na akong kinikimkim na sama ng loob. Kailangan positive lang ang outlook natin ngayong 2015,” ngiti pa niya.
Maganda nga ang relasyon ni Jen sa kanyang mga naging ex tulad nila Mark Herras, Patrick Garcia, at Dennis Trillo. Kapag nagkikita nga raw sila kahit saan ay hindi sila nag-iiwasan.
Si Luis Manzano na lang daw ang hindi pa muling nakikita ni Jen since naghiwalay sila noong 2013.
Sey ni Jen ay wala naman daw problema sa kanya kung magiging magkaibigan sila ni Luis. Maganda naman daw ang pinagsamahan nila noon.
“Hindi pa kami nagkikita since naghiwalay kami. Kung aksidente kaming magkita, babatiin ko naman siya. And I think, si Luis, hindi naman siya ‘yung tipong pagtataguan ako, ‘di ba?
“Siguro right time and the right place lang. Mangyayari rin naman iyon,” pagtiyak pa ni Jennylyn.
Ben Affleck wagi sa People’s Choice Award, Taylor Swift naghakot ng tropeyo
Si Ben Affleck ang nakatanggap ng Favorite Humanitarian sa katatapos lamang na People’s Choice Awards 2015 na ginanap sa Nokia Theater in Los Angeles, California.
Ang comedy series na The Big Bang Theory ang nagwaging Favorite TV Show; Favorite Network TV Comedy at Favorite Comedic Actress ang isa sa bida nito na si Kaley Cuoco-Sweeting.
Tatlong trophy naman ang napanalunan ni Taylor Swift: Favorite Female Artist, Favorite Pop Artist at Favorite Song for her hit single Shake It Off.
Heto pa ang ilang nanalo pa sa People’s Choice Awards:
Favorite Movie Maleficent; Favorite Movie Actor: Robert Downey Jr.; Favorite Movie Actress: Jennifer Lawrence; Favorite Movie Duo: Shailene Woodley & Theo James - Divergent; Favorite Action Movie: Divergent; Favorite Action Movie Actor: Chris Evans; Favorite Action Movie Actress: Jennifer Lawrence;
Favorite Comedic Movie: 22 Jump Street; Favorite Comedic Movie Actor: Adam Sandler; Favorite Comedic Movie Actress: Melissa McCarthy; Favorite Dramatic Movie: The Fault in Our Stars; Favorite Dramatic Movie Actor: Robert Downey Jr.; Favorite Dramatic Movie Actress: Chloë Grace Moretz; Favorite Family Movie: Maleficent; Favorite Thriller Movie: Gone Girl;
Favorite TV Icon: Betty White; Favorite Comedic TV Actor: Chris Colfer; Favorite Network TV Drama: Grey’s Anatomy; Favorite Dramatic TV Actor: Patrick Dempsey; Favorite Dramatic TV Actress: Ellen Pompeo;
Favorite Cable TV Comedy: Melissa & Joey; Favorite Cable TV Drama: Pretty Little Liars; Favorite Cable TV Actor: Matt Bomer; Favorite Cable TV Actress: Angie Harmon;
Favorite TV Crime Drama: Castle; Favorite Crime Drama TV Actor: Nathan Fillion; Favorite Crime Drama TV Actress: Stana Katic; Favorite Network Sci-Fi/Fantasy TV Show: Beauty and the Beast; Favorite Cable Sci-Fi/Fantasy TV Show: Outlander; Favorite Sci-Fi/Fantasy TV Actor: Misha Collins; Favorite Sci-Fi/Fantasy TV Actress: Kristin Kreuk;
Favorite Competition TV Show: The Voice; Favorite Daytime TV Host: Ellen DeGeneres; Favorite Late Night Talk Show Host: Jimmy Fallon; Favorite Dramedy: Orange Is the New Black; Favorite TV Duo: Nina Dobrev & Ian Somerhalder; Favorite TV Character We Miss Most: Sandra Oh as Cristina Yang - Grey’s Anatomy;
Favorite Actor In A New TV Series: David Tennant; Favorite Actress In A New TV Series: Viola Davis; Favorite Sketch Comedy TV Show: Saturday Night Live; Favorite Animated TV Show: The Simpsons; Favorite New TV Comedy: Jane the Virgin; Favorite New TV Drama: The Flash;
Favorite Male Artist: Ed Sheeran; Favorite Group: Maroon 5; Favorite Breakout Artist: 5 Seconds of Summer; Favorite Male Country Artist: Hunter Hayes; Favorite Female Country Artist: Carrie Underwood; Favorite Country Group: Lady Antebellum; Favorite Hip-Hop Artist: Iggy Azalea; Favorite R&B Artist: Pharrell Williams; Favorite Album: X - Ed Sheeran.
- Latest