Ilang properties ng yumaong Comedy King na si Dolphy ang ipapa-auction ng kanyang pamilya sa January 31 sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN compound.
Tinawag itong Dolphy Estate Auction: Legacy of a King.
Ang naturang auction ay inaasikaso ng HMR Auctions at ng mga anak ni Pidol na sina Eric Quizon, Epy Quizon, at Ronnie Quizon. Ipinakalat na nila ang pag-anunsyo nito via social media.
Sa mga gustong makita ang catalog ng mga ipapa-auction na properties ng late comedian, puwede itong i-download sa website ng HMR Auction.
Kasama sa ipapa-auction ang five residential lots sa General Trias, Cavite; nine beach properties sa Lian, Batangas; ilang agricultural lots in Calatagan, Batangas; dalawang agricultural lots sa Santa Maria, Laguna; dalawang agricultural lots sa Balagtas, Bulacan; isang residential property sa Antipolo, Rizal; isang residential lot in Baguio City; at isang agricultural lot sa Catbalogan, Samar.
Ayon pa kay Eric Quizon, na-acquire ng kanyang yumaong ama ang mga properties noong kasagsagan ng showbiz career nito na inabot ng higit na anim na dekada.
Paborito rin daw kasi ng yumaong comedian ang board game na Monopoly at doon siya nagkaroon ng ideya na mag-ipon ng maraming properties habang kaya pa niya.
Sumakabilang-buhay si Dolphy noong July 10, 2012 sa edad na 83 dahil sa complications from chronic obstructive pulmonary disease.
“My father’s philosophy towards investments was akin to that board game—buying or trading properties, developing his properties, and collecting rent—to ensure the financial security of his family and donate to charities and other worthwhile causes,” sey pa ni Eric sa introductory letter sa auctions catalog.
Nagdesisyon nga ang pamilya Quizon na ipa-auction na ang ilang properties para maipagpatuloy nila ang advocacies ng kanilang ama via Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.
Ilang percent ng proceeds ay gagamitin sa pag-construct ng Dolphy Museum na ipinagagawa ng Quizon Family.
For more information sa auction, visit www.hmrauctions.com.ph.
Model na kasama sa ad santambak ang death threats Fans ni Justin nag-alboroto
Nagiging target ng female fans ni Justin Bieber ang female model na kasama nito sa sexy CK underwear ad nito. Ito ay ang 31-year-old Dutch model na si Lara Stone.
Noong lumabas ang campaign ad, nakatanggap agad ng ilang death threats si Lara mula sa female fans ni Justin.
Sa isang tweet ng female fan ni Bieber, nakalagay ay “I’ll kill that girl”. Tapos ay may mga emojis na tatlong baril, isang kutsilyo at isang girl na may hawak na baril.
Isang female fan din ang nagpadala ng nakakatakot na tweet: “hi bitch i hate u. touch justins d*** again and ill kill u im not joking.”
At isa pang tweet: “back off or i’ll kill you, please and thanks. no pressure :).
Wala pang comment mula kay Lara Stone tungkol sa pananakot sa kanyang buhay ng mga fans ni Justin Bieber.
Malakas ang impact ng Calvin Klein campaign ad ni Bieber. Ito raw ang masasabi nilang biggest ad campaign nila since 1992 noong kunin nilang celebrity endorser si Mark Wahlberg na kilala pa noon as rapper Marky Mark.
Frencheska walang planong lumayas sa GMA
Sa September 2015 na mag-i-expire ang 6-year-exclusive contract sa GMA 7 ng singer-actress na si Frencheska Farr.
Dahil matagal pa naman daw ito, hindi pa iniisip ng singer kung ano ang magiging plano niya pagka-expire ng kanyang kontrata.
Over-all ay satisfied naman daw si Frencheska sa pag-alaga sa kanya ng Kapuso network simula noong manalo siya sa singing competition na Are You The Next Big Star in 2008.
“Wala naman po akong reklamo sa naging career ko with GMA 7.
“Aside sa nagkaroon ako ng chance na maging recording artist, kina-cast din nila ako sa mga teleserye. Tulad ngayon, kasama ako sa Second Chances.
“Pinapakanta rin po nila ako ng mga theme songs ng iba’t ibang teleserye at may Sunday All Stars.
“Hindi ko namalayan na it’s been six years na pala. Parang ang bilis. Sa GMA 7 na ako nagdalaga talaga.
“So kung gusto pa nila ako i-renew, walang magiging problema. Ikatutuwa ko po iyon,” ngiti pa ni Frencheska.
Kung hindi naman daw i-renew ang kontrata ni Frencheska, okey din daw na maging freelancer siya. Marami na raw siyang nakilalang mga producer na makakatulong sa kanyang singing career.
“Gusto kong mas mag-focus talaga sa singing career ko. I want to produce my own album with songs na gusto kong awitin.
“Na-miss ko rin ang mag-musical theatre. The last I did was Grease in 2013. Sana makagawa pa ulit ako kasi enjoy ang lumabas sa isang musical.”
Gusto rin gumawa ulit ni Frencheska ng pelikula. Ang first and last movie niya ay ang pinagbidahan niyang film musical na Emir na idinirek ni Chito Rono in 2010.