Jairus maraming pangarap kahit may ‘kapansanan’

MANILA, Philippines – Bibigyang-buhay sa Maalaala Mo Kaya ng Kapamilya teen star na si Jairus Aquino ang karakter ni Andre, isang teenager na pinagsisikapang abutin ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang pambihirang sakit sa kalamanan na tinatawag na Muscular Dystrophy.

Sa upcoming MMK episode ngayong Sabado (Enero 10), matutunghayan ng viewers kung paano nanatiling positibo sa buhay si Andre at nabuhay nang normal sa tulong ng kanyang ama na si Rodolfo (gagampanan ni Dominic Ochoa) na laging pinalalakas ang kanyang loob.

Paano mayayanig ang mundo ni Andre sa sandaling mawala sa tabi niya ang pinakamamahal niyang ama? Maglalaho ba ang kanyang pag-asa sa buhay o patuloy niyang pagsusumikapang abutin ang kanyang pangarap na binuo niya kasama ang kanyang tatay?

Tampok din sa MMK episode sa Lara Quigaman, Eliza Pineda, Angelo Ilagan, at JB Agustin. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre at panulat ni Mary Rose Colindres.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Show comments