^

Pang Movies

‘Hindi ko siya puwedeng sabihin eh. Basta! Basta iba eh!’ Jennylyn at Erap may inililihim?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sanay na si Jennylyn Mercado sa kasabihan sa showbiz na, “You cannot please everybody!” Kaya naman kahit may negatibong pagtanggap sa pagkakapanalo niya ng best actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Derek Ramsay na English Only, Please, dedma na lang siya.

“Mas pressure nga lang ang dinagdag. Kasi dapat, ‘yung susunod na pelikula namin ay malampasan eh. So mas pressured kami,” pahayag ni Jen sa press launch ng GMA drama niyang Second Chances. Sa next movie kasi niya ay si Derek muli ang makakapareha niya.

Binati naman ba siya ni Dennis (Trillo) sa pa­nalo niya?

“Oo naman. Binati niya ako!” tugon niya.

Sa pagtanggap niya ng tropeyo, si Mayor Joseph Estrada ang nag-abot sa kanya. May ibinulong sa kanya ang Manila Mayor na ikinangiti ng aktres habang nasa stage. Ayaw na nga lang niyang i-share kung ano ang sinabi sa kanya ni Mayor Erap.

“Eeee! Ayokong sabihin pa kung ano ‘yon! Sa akin na lang. Hindi ko na sasabihin!” rason niya.

Private ba?

“Secret! Ha! Ha! Ha! Hindi ko siya puwedeng sabihin eh. Basta! Basta iba eh! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Jennylyn.

Kahit walang lalaki sa buhay ngayon, patuloy pa ring umiikot ang mga tsismis na pumupunta siya sa condo ni Dennis Trillo at minsan naman daw ay nakita siya sa Boracay na may kasamang iba.

“Hindi!  Wala po talaga,” saad ng aktres.

Halos lahat ng naging boyfriend niya ay dumadalaw sa kanya sa bahay. Mas gusto na rin niya ‘yung maging kaibigan ang mga ito.

“Hindi pa dumadalaw si Dennis sa bahay at hindi rin ako dumadalaw sa kanya condo!” diin ni Jen.

Bakit kasi ayaw pa rin nilang magbalikan ni Dennis?

“Hindi pa rin kasi ako…Parang ‘yung balita nu’ng isang linggo. Nagpunta raw ako ng Boracay at may kasamang iba. Saan naman nanggaling ‘yon? Sandali…Sabay-sabay? Isa, isa lang!” rason ng aktres.

Tinatawanan na lang ni Jen ang mga tsismis na ‘yon pero naaapektuhan siya sa mga hindi totoong naglalabasang tsismis sa kanya.

“Parang ayoko na ring pag-aksayahan ng panahon. Pero naiinis ako dahil hindi naman totoo! Ahhh, bakit mo pinagpipilitan? ‘Yung ganoong pakiramdam! Sa sobrang gusto kong dedmahin, pinagtatawanan ko na lang! Ayoko na lang siyang pagtuunan ng pansin kahit nakakainis dahil hindi naman totoo!” paliwanag pa ng MMFF 2014 Best Actress.

So kelan siya magiging ready na magkaroon ng boyfriend?

“Hindi ko pa alam ang schedule ko eh. Iiskedyul ko ‘yan! Ha! Ha! Ha! Dara­ting din ‘yon. Hindi ako nagmamadali! Sa ngayon wala pa eh. Boring pa!” sagot ni Jennylyn.

Ayaw pa niyang sundan si Alex Jazz?

“Hindi pa muna. Pinaghirapan ko ang katawan kong ito eh!” deklara ni Jen.

Ibang-iba ang looks at parang bagong gising bokalista ng True Faith sinalo ni Joey nang makalimutan ang sariling kanta

Sinalo na lang ni Joey de Leon ang pagkalimot ng linya sa sariling kanta ng bokalista ng grupong True Faith na si Medwin Marfil na guest sa Laban o Bawi portion ng Eat Bulaga kahapon.

Nakalimutan niya ang linyang kasintahan sa kanta ng grupo na Huwag Na Lang Kaya.

Mukhang bagong gising ni Medwin at nanibago kami sa kanyang mukha, huh! Ibang-iba ang looks niya kumpara sa mga unang mukha naming natatandaan sa kanya.

Agad inalis ang focus ng kamera kay Medwin at sinalo ni Joey ng, “Ganyan ‘yung ibang singers na nakakalimot ng lyrics at sa tao pinakakanta ang nakalimutan!”

vuukle comment

ALEX JAZZ

AYAW

BEST ACTRESS

BINATI

BORACAY

LANG

NIYA

TRUE FAITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with