Buntis na ang non-showbiz girlfriend ng aktor na may anak sa pagkabinata.
Hindi naman itinatanggi ng aktor ang kalagayan ng kanyang richie rich girlfriend dahil madalas sila na nakikita sa mga public place.
Walang dahilan para i-deny ng aktor ang nalalapit na pagiging tatay niya dahil may anak na siya sa kanyang ex-girlfriend na wala ring koneksyon sa showbiz.
Well-publicized din noon ang pagpapakasal ng aktor sa kanyang aktres na girlfriend pero humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama dahil sa irreconcilable differences. Hindi na bagets ang aktor para itago ang pagkakaroon ng anak dahil turning 42-years old na siya ngayong 2015.
Mga nanalo sa New Wave ng MMFF hindi pinag-usapan
Matagal nang tapos ang gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) pero iniintriga pa rin ang winners sa New Wave Section dahil hindi sila nabigyan ng chance na makapagpasalamat nang umakyat sa stage at tanggapin ang kanilang mga trophy.
Dedma ang winners sa mga naririnig na intriga. So what, kung wala silang mga acceptance speech? Mas mahalaga raw na napansin at binigyan ng parangal ang kanilang mga trabaho.
Sinu-sino ba ang winners sa New Wave Section ng MMFF 2014? Nandiyan si Zsa Zsa Padilla, ang best actress at si Allen Dizon, ang winner ng best actor trophy.
Best picture rin ang pelikula ni Allen na Magkakabaung at best director ang direktor nito na si Jason Paul Laxamana.
Hindi malayo na masundan pa ang mga acting award ni Allen dahil matitino at magagandang pelikula ang mga gagawin niya sa 2015.
Mga nagsasabing hindi praktikal ang kasal nina Marian at Dingdong, naiinggit lang
Inggit lang ang mga nagsasabi na hindi praktikal ang magarbo na church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Baka naiinggit lamang ang mga critic dahil can’t afford sila na i-duplicate ang pinag-uusapan na kasalan.
Walang mali kung gumastos man si Dingdong ng milyones sa kasal nila ni Marian dahil karapatan niya na paligayahin ang kanyang asawa.
Pera naman ni Dingdong ang ginastos nito kaya walang pakialam ang ibang tao na panghimasukan ang kanyang desisyon na ibigay kay Marian ang isa sa mga pinaka-engrande na kasalan sa showbiz.
Sa mga naiinggit, sorry na lang dahil kahit ano pa ang sabihin ninyo, marami ang maligaya para kina Dingdong at Marian. Mas nakahihigit ang bilang ng mga pumupuri sa kanilang pag-iisang dibdib kesa sa mga Bitter Ocampo na pinaiiral ang crab mentality.
Sumemplang sa MMFF madaling malaman
Matatapos na sa linggong ito ang Metro Manila Film Festival pero mapapanood pa rin sa selected theaters ang mga pelikula na pinipilahan sa takilya.
Madaling malaman ang mga filmfest entry na sumemplang sa takilya dahil ‘yon ang mga pelikula na maaga na na-pull out sa mga sinehan at aabangan na lang sa kalye ang mga pirated copy na mabibili sa chipipay na halaga.
Siyempre, hindi ko na sasabihin ang title ng mga pelikula na tinutukoy ko bilang respeto sa mga movie producer na namuhunan ng milyun-milyong piso.