Natanong namin kay Zsa Zsa Padilla nang minsang dalawin namin ito sa bahay nila ni Conrad Onglao kung totoo bang ibinenta na nito ang bahay nila ni Dolphy.
‘‘Hindi totoong ibinenta ko ang bahay namin ni Dolphy,” say ng Divine Diva.
Naikuwento rin nito na may nagsabi sa kanya na Feng Shui expert na para maka-move on sa pagkamatay ni Dolphy, kailangang makahanap siya ng bagong mamahalin na nangyari naman nang makilala niya si Conrad Onglao courtesy of Sharon Cuneta.
Ipinayo rin sa kanyang iligpit na ang mga damit ng komedyante na ginawa naman niya.
Isang damit ni Dolphy ang memorable sa kanya at gusto niya itong maiwan na parang Amerikana yata o jacket. Pero hindi naman niya makita. Dasal nang dasal si Zsa Zsa na mahanap ito. Pero paano nga ba naman niya ito makikita agad, eh inabot ng 30 kahon ang mga damit ng Comedy King at hindi niya alam kung paano magsisimula.
‘‘Sa kadadasal ko nang buksan ko ang unang kahon ay naru’n para maging souvenir ko,’’ dagdag pa ng actress-singer.
Gustuhin man niyang magkasama-sama sila ng dalawang anak sa bahay ni Conrad ay nag-beg off sina Zia at Nicole at sinabing mas gusto nilang sa isang condo tumira para matutong maging independent. Pero hindi naman nawawala ang kanilang komunikasyon at patuloy ang paggabay ng Divine Diva sa kanilang mga anak.
Wala nang mahihiling pa sa buhay ngayon si Zsa Zsa dahil stable ang kanyang lovelife at patuloy na gumaganda ang career nito. Maging ang relasyon nito sa mga anak ay walang masasabing masama.
Robin nagdilang-anghel!
Tinanong namin si Robin Padilla sa presscon ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo kung ano ang mahalaga para sa kanya tropeyo o kita? Ang sagot nito ay ang manalo ng award.
Nanalong Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award ang movie ni Robin at FPJ Memorial Award of Excellence. Deserving namang masasabi ang movie dahil naglalaman ito ng positive cultural values.
‘‘Hindi man kumita nang husto ang Bonifacio, masaya na rin ako dahil sa pamamagitan ng pelikula ay naipahatid ko ang mensahe laluna sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan hindi lang sa salita kundi laluna na sa gawa.
“Naipahatid din namin ang kabayanihan ni Bonifacio na magsisilbing magandang halimbawa para tularan ang magagandang adhikan nito para sa bayan laluna ng mga kabataan,’’ paliwanag ng magaling na action star.