Ang biopic ni Andres Bonifacio na Bonifacio, Ang Unang Pangulo at ang romantic comedy na English Only, Please ang runaway winners at the 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal na ginanap sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) noong Sabado, December 27. Naging hosts ng gabi sina Edu Manzano at Kris Aquino. Dapat ay si Vice Ganda ang co-host ni Kris sa first part ng programme at si Edu sa second part pero hindi kaya ni Vice dahil kahapon na, December 28 ang interment ng Lolo Gonzalo niya. Reportedly ngayong Lunes ay magbabakasyon muna si Vice sa Hong Kong.
Ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo ay nag-uwi ng siyam na awards, including Best Picture, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, at Youth’s Choice Award. Pitong awards naman ang iniuwi ng English Only Please, kasama ang 2nd Best Picture, Best Actress, Best Actor, at Best Director. Maaga namang wedding gift sa isa sa producers ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 na si Dingdong Dantes ang anim na tropeo kasama ang 3rd Best Picture at Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.
Walang tinanggap na tropeo ang ibang entries, si Ryzza Mae Dizon ang nanalong Best Child Performer sa My Big Bossings. Nagkatawanan ang audience nang manalo si Derek Ramsay at sabi ni Kris: “Robin, Coco, talagang ganyan ang buhay. Okey na Coco, na top grosser ever for a horror movie ang Feng Shui.” Happy na si Kris na nominated na best child performer ang anak na si Bimby Aquino Yap sa The Amazing Praybeyt Benjamin at sila naman ang top grosser ng festival.
Si Jennylyn Mercado ang tumanggap ng award ni Derek Ramsay at sinalubong siya ni Edu habang paakyat ng stairs at beso-beso sila ng dating girlfriend ng anak na si Luis Manzano. Binasa ni Jennylyn ang text ni Derek na “sorry, ma-traffic sa EDSA,” ang famous line ni Jennylyn sa “English Only, Please.”
Narito ang list ng mga nanalo:
MAIN COMPETITION:
Best Picture: Bonifacio, Ang Unang Pangulo
2nd Best Picture: English Only, Please
3rd Best Picture: Kubot: The Aswang Chronicles 2
Best Actor: Derek Ramsay, English Only, Please
Best Actress: Jennylyn Mercado, English Only, Please
Best Director: Dan Villegas, English Only, Please
Best Screenplay: English Only, Please
Best Original Story: English Only, Please
Best Supporting Actress: Lotlot de Leon, Kubot: The Aswang Chronicles 2
Best Supporting Actor: Joey Marquez, Kubot: The Aswang Chronicles 2
Best Cinematographer: Carlo Mendoza, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Editor: Marya Ignacio, English Only, Please
Best Sound Engineer: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon, My Big Bossing
Best Musical Scorer: Von de Guzman, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Theme Song: Von de Guzman, Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Best Make-Up Artist: Kubot: The Aswang Chronicles 2
Best Visual Effects: Mother Ship, Inc., Kubot: The Aswang Chronicles 2
Best Production Designer: Ericson Navarro, Kubot: The Aswang Chronicles 2
SPECIAL AWARDS:
FPJ Memorial Award for Excellence: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Face of the Night: Nadine Lustre
Youth Choice Film Award: Bonifacio, Ang Unang Pangulo
Best Float: Bonifacio, Ang Unang Pangulo
Special MMFF 40th Year Award: MMDA Chairman Francis Tolentino
Special Commemorative Award: Manila Mayor Joseph Estrada (binigyan din ng natatanging parangal si Guillermo de Vega na sila ni Manila Mayor Joseph Estrada ang namuno sa pagbuo ng Metro Manila Film Festival/ Si Mayor Erap ang itinuturing na ama ng MMFF
Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award: Bonifacio: Ang Unang Pangulo
NEW WAVE:
New Wave Best Director: Jason Paul Laxamana, Magkakabaung
New Wave Best Picture: Magkakabaung
New Wave Jury Prize: M: Mother’s Maiden Name
New Wave Best Actress: Zsa Zsa Padilla, M: Mother’s Maiden Name
New Wave Best Actor: Allen Dizon, Magkakabaung
New Wave Best Supporting Actress: Gloria Sevilla, M: Mother’s Maiden Name
New Wave Best Supporting Actor: Kristoffer King, Maratabat