Daniel gusto pang mas yumaman kaya pinapatos lahat ng trabaho

Malaking tulong pala para kay Coco Martin ang kung anumang kinita niya sa kanyang pagtanggap ng mga personal appearance commitments here and abroad, kasama na ang mga mall shows para madagdagan ang kanyang iniipong pera, earmarked sa pagpapagawa ng kanyang malapalasyong bahay sa isang subdivision sa Fairview.

He was never amiss of any of his commitments, kahit pa out of town ito. Never mind if magdamagan siyang mag-taping o magsiyuting. Ang importante, matupad niya ang kung anumang bagay na na-commit niya.

And guess who is following his footsteps, kumbaga, na matiyaga ring tumatanggap ng mga out of town or out of the country shows, kasama na rin ang mga mall tours?

Si Daniel Padilla na at his age ay maituturing na milyonaryo.

Thanks to his mom, former Regal Baby Karla Estrada, na siyang matiyaga na humahawak ng kanyang earnings.

‘‘But I make sure,’’ ani Karla. ‘‘Na properly accounted for lahat ng perang ini-entrust niya sa akin.

‘‘At ang mga expenses na aming na-incur, wika nga, kasama na ng allowance sa bahay at ng kanyang mga kapatid.

So far, wala raw puwedeng ireklamo si Daniel sa ina, sa pagiging treasurer nito sa kanyang mga kinikita.

Daniel naka-concentrate kay Kathryn

These days, though off limits muna kay Daniel ang mga pagtanggap ng mga personal appearances or whatever, he had to focus on his two current big projects, ang series na Pangako sa ’Yo, and the movie na wala pang tiyak na titulo, but will reportedly be the Valentine offering ng Star Cinema.

Both projects will have his reel-and-real-life ‘girlfriend’, Kathryn Bernardo, for his leading lady.

While Pangako sa ’Yo will reportedly have Direk Rory Quinto at the helm, the Valentine movie ay ididirek naman ni Cathy Garcia-Molina.

Back-to-back concert sa pagsalubong ng bagong taon Chris Brown bubulabugin ang Philippine Arena

Kung magkakaroon ng magarbong New Year’s countdown ang Quezon City sa pangunguna nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at TV5 President, Noel Lorenzana, magpapahuli ba naman ang Manila lalo’t ngayong nasa pamumuno na ito ni ex-president at present Manila Mayor na si Joseph Estrada?

While magaganap ang event ng Quezon City sa Quezon City Memorial Circle, well, ang sa Maynila naman ay sa harapan mismo ng Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard.

No less than Manila First Lady, Loi Ejercito, sa tulong ng mga office at members ng kanyang Mare Foundation, is hel­ping President Mayor Erap for the event.

Well, isa pang New Year’s Countdown na nilu-look forward to, lalo’t ng mga Bulakenyo, ay ang magaganap sa Philippine Arena, located sa Ciudad Victoria, Bocaue, Bulacan.

Mga wika nga, de kalidad ang mga performers na magbibigay aliw sa mga manonood. Kabilang na ang international singer na si Chris Brown, bukod kina Bamboo, Rico Blanco, Parokya ni Edgar, Itchyworms, Kjwan, Up Dharma Down, Calla­lily, Sponge Cola, Sandwich, Imago, 6cyclemind, Mayonaise, Barbie Almabis, Kitchie Nadal, Silent Sanctuary, Brisom, and Autotelic, among others.

While the above list of performers ay mapapanood on the eve of 2015, December 31, bukas, December 30, may pre-concert na magaganap na ang mga itatampok ay kinabibilangan nina Willie Nepo­muceno, Juan Rodrigo, Hajji Alejandro, Rey Valera, The Voice Kids finalists, Asin, FBC Rebirth, Music Making Company, and Shamrock.

Be sure though, you are a ticket holder for the twin event bago kayo pumunta ng Philippine Arena.

Show comments