Congratulations kay MMDA Chairman and Over-All Chairman of the 40th Metro Manila Film Festival (MMFF), Atty. Francis Tolentino dahil sa first day box-office returns, kumita na ang walong official entries sa festival ng P147-M. Kaya nakasisiguro na ang MMFF na ito ang pinakamalaki nilang kinita dahil malamang na sa loob ng 13 days (December 25, 2014 to January 6, 2015) na ipalalabas sa mga sinehan nationwide ang mga pelikula, lalampas ito sa P1-B.
Kaya maganda ang iiwanang record ni Chairman Francis dahil last year na niya ito as Over-All Chairman ng MMFF at kahit ang pagiging Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay iiwanan na rin niya bilang paghahanda sa pagkandidato niya sa 2016 elections.
Pagkatapos kumayod parang kabayo Alden bakasyon-grande naman
Magpapahinga muna si Alden Richards after ng grand finals ng Bet Ng Bayan na gaganapin mamayang gabi sa Music Hall ng SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Hosted by Regine Velasquez-Alcasid and Alden, judges sina Kuh Ledesma, Louie Ocampo, at si Lani Misalucha. Live itong mapapanood sa GMA-7 pagkatapos ng Celebrity Bluff.
Ilang buwan ding halos araw-araw naglibot si Alden sa iba’t ibang lugar ng bansa para sa audition at regional finals ng Bet Ng Bayan, na sinabayan pa ng taping niya noon ng Ilustrado at mga TV guesting at every Sunday, sa Sunday All Stars. After niyang magbakasyon, haharapin na ni Alden ang bago niyang soap sa GMA-7 at ang movie na naka-schedule na niyang gagawin sa GMA Films.
Aljur kasado na ang pakikipag-usap sa mga boss ng GMA
May nakausap kaming friend ni Aljur Abrenica noong isang araw at naikuwento niyang naka-schedule nang makipag-meeting ang actor at ang lawyer nito sa GMA Network sa first week ng January, 2015. Hinayang na hinayang ang friend ni Aljur sa napakalaking pagkakataon na nasayang sa actor, sayang daw ang six months na nawalan siya ng trabaho. Dapat daw ay nakinig muna ito sa advice na dumiretso muna siya sa mga executive ng GMA at hindi nag-resort agad sa pagdedemanda.
Pancho nahihirapan maghubad
Inamin ni Pancho Magno na nagustuhan niya ang FHM cover ng leading lady niya sa Ang Lihim ni Annasandra (ALNA) si Andrea Torres. Maganda raw ang mga pictorial, sulit daw ang paghahanda nito para sa pictorial. Natawa si Pancho nang tanungin kung hindi ba siya nako-conscious na ngayong isa na rin siyang awok o baboy damo sa afternoon telefantasiya nila at lagi rin siyang nakahubad? Nakaka-conscious din daw pero nakasuot daw naman siya ng cycling shorts pero mas mahirap talaga kay Andrea kahit may manipis itong tela na nakatakip kapag nagta-transform na into an awok.
Hindi naman lihim na nililigawan ni Pancho si Max Collins at wala pa raw sila talagang commitment. Siya ba, if ever, papayagan niyang mag-pose sa men’s magazine si Max? Wala raw naman siyang karapatang pigilan si Max pero naniniwala siyang hindi iyon gagawin ng actress dahil hindi naman sexy star ang image na ipinu-portray nito.