Sa gitna ng pagdadalamhati, hindi pa rin nakakalimutang magpasalamat sa lahat ng mga nanonood ng The Amazing Praybeyt Benjamin. As of Dec. 26 ay nangunguna pa rin sa takilya among the 8 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ang pelikula niya at mukhang ito na ang magiging trending hanggang sa pagtatapos ng showing.
Panay ang retweets ni Vice Ganda ng magagandang comments about the movie at labis-labis din ang kanyang pasasalamat.
“Sa gitna ng pagdadalamhati ay patuloy n’yo akong binibigyan ng dahilan para ngumiti. Today, you gave me 112 million reasons to really be thankful,” tweet ni Vice Ganda kahapon.
Apparently, sa 2-day showing ng TAPB ay umaabot na ito sa 112M. Bonggang bongga, ‘di ba naman?
Samantala, ayon naman kay MMDA Chairman Francis Tolentino na siyang namamahala ng MMFF, ayaw daw niyang magbigay ng ranking sa ngayon sa mga pelikulang kasali at ang inanunsyo lang niya ay ang to 4 in no particular order.
Ayaw daw niya kasing makaimpluwensiya sa mga moviegoers kung iaanunsyo nila ang mga paboritong panoorin ng mga tao.
Ang top 4 movies as of Dec. 26 ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2, My Big Bossing, at ang Kubot: The Aswang Chronicles 2.
As of Dec. 26, nasa 180M na raw ang total gross ng 8 MMFF entries.
Lumalaban sa MMFF tambalang Jennylyn at Derek pinupuri-puri!
Overwhelming ang feedbacks and positive reviews sa social media ng MMFF entry na English Only, Please na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado and Derek Ramsay.
Since its opening day last Dec. 25, walang tigil ang pagbaha ng magagandang comments mula sa mga taong nakapanood na.
Pati mga taga-showbiz ay nagti-tweet na nanood sila ng movie at talagang puring-puri nila sina Derek, Jen, Direk Dan Villegas, ang producer na si Atty. Joji Alonzo and the whole cast for coming up with a film like this.
Ang ilan din sa miyembro ng entertainment press ay ito ang inunang panoorin among the 8 entries. Isang kasamahan nga sa trabaho ang nag-post na punong-puno raw ang Glorietta 4 kung saan siya nanood ng EOP.
Si Direk Joey Reyes din ang nag-tweet ng pagbati sa buong cast at direktor ng English Only, Please.
“Congratulations to the wonderful cast & brilliant director of a real, sensible and heartwarming material,” tweet ni Direk Joey.
Tweet naman ni John Lapus, “Naaliw ako sa #EnglishOnlyPlease congrats @MercadoJen @kingderekramsay @attyjoji malinis, mahusay, maganda.”
Kaya naman sobrang thankful ng buong team at pati ang manager ni Jen na si Becky Aguila ay nag-post ng kanyang pasasalamat sa Facebook.
“Salamat sa lahat ng papuri sa social media lalo na sa Twitter. Nakakataba ng puso ang mga papuri ninyo para sa English Only Please! Sobrang happy kami na napasaya, na aliw at kinilig kayo sa tambalan Jen at Derek! Sa mga hindi pa nakakapanood, watch na kayo sa mga darating pa na araw..Sulit ang pera ninyo sa English Only Please! Swabe, truthful, natural, sincere, simple, cute, me aral and most of all entertaining! Feel good ika nga!” ang post ni tita Becky.
Sa mga hindi pa nakakapanood, we encourage you to watch the film dahil sobrang mage-enjoy talaga kayo.