Pahabol ni Robin Padilla sa promo ang sinabing kahit historical ang movie niya na Bonifacio, Ang Unang Pangulo ay entertaining din ito.
Ginawa raw nilang magaan ang approach ng paglalahad ng mga katotohanan para ma-enjoy ng moviegoers.
Natuwa at proud si Binoe nang makita na pinalakpakan ng mga DepEd representatives ang Bonifacio nang kasama nilang manood noong screening last week.
Bale ba napadaan lang si Robin sa DzMM ng Kapamilya Network last Wednesday ng umaga at ang mga nakaupo sa radio booth ay sina Doris Bigornia at Alvin Elchico. Sakto namang nahilingan siyang mag-promote sa kanilang programa. Bukod pala sa movie ng Bonifacio, meron din silang natapos na libro na Bonifacio dahil kukulangin nga naman ang isa’t kalahating oras para ikuwento ang buhay ni Gat Andres Bonifacio. Kaya nag-promote rin si Robin sa mga tao na bilhin ang naturang libro.
Itinodo na raw ni Binoe ang lahat ng pato niya sa pelikulang Bonifacio, kaya naubos ang pera niya. Naniniwala si Binoe sa kalidad ng movie na handog niya sa mamamayang Pilipino ngayong holiday season.