Ayon mismo kay Gerald Anderson, malaki ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon at isa na nga rito ay huwag na lang daw mangako at sa halip ay gawin na lang ang best niya.
“Hindi naman sa ano, pero halos lahat, high profile po ‘yung relationships ko and isa po sa natutunan ko do’n is I’ll turn my promises into goals na lang.
“I’m not gonna make promises anymore, lalo na sa harapan ng camera. Kasi, natuto ako. What I was saying is does it make me less of a man na hindi ko na kayang mag-promise? Of course not.
“It’s just that my goal is to have the longest relationship sana, hanggang marriage, hanggang sa mamatay,” sabi ni Gerald.
“Can I promise that? I’ll do my best. That’s my goal, my number one goal,” dagdag pa ng aktor.
Hindi naman lingid sa lahat ang pinagdaanang intriga ng kanilang relasyon pero ayon kina Gerald at Maja, kung may darating pa, hawak-kamay pa rin daw nila itong kakayanin.
“Kasi, alam naman po natin na grabe ang mga pinagdaanan namin,” say ni Maja, “I’m very thankful and blessed na hindi niya ako pinabayaan kungdi prinotektahan po niya ako.”
Pero kahit na usong-uso ang kasalan ngayon sa showbiz, mukhang malayo pa naman sa isip nina Gerald and Maja ang marriage dahil mga bata pa naman sila.
Maja is 26 and Gerald is 25. Ayon sa aktor, ang marrying age raw niya siguro ay mga 32. Bukod dito, pareho maganda ang takbo ng kani-kanilang career at marami pa silang gustong gawin.
This year, ayon kay Gerald ay sobrang blessed niya, ang dami niyang teleseryeng nagawa at ganu’n din naman si Maja na ang huli nga ay ang napakatagumpay na The Legal Wife.
At matatapos na nga lang ang taon ay may humirit pang magandang blessing para sa showbiz couple. They’re ending the year with a project together, their first actually, ang The Gift of Life ng Give Love on Christmas na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime bilang Pamaskong Handog ng Dreamscape Entertainment.
Next year, mapapanood natin si Maja sa Bridges at si Gerald naman ay sa Nathaniel.
KC relate na relate sa anak ni Paulo
Nakaka-relate si KC Concepcion sa anak ni Paulo Avelino na si Aki kaya naman isa ito sa mga napag-uusapan nila ng aktor.
Say ni KC, halos pareho raw kasi ang sitwasyon nila ni Aki noong bata pa rin siya. As we all know, maagang naghiwalay ang parents niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at lumaki siyang hindi nakakasama ang ama.
“Kung ano ‘yung situation ng son niya ngayon, ako ‘yung batang ‘yun dati, so, kahit paano, naise-share ko sa kanya kung ano ba ang magandang gawin para sa bata, kung ano ba ‘yung maaalala ng bata or ano ba ‘yung magandang gesture para mas maging strong ‘yung bond nila ng anak niya.
“Because na-experience ko ‘yun first hand. Kung anuman ang naging maganda sa relationship namin ni Papa, sa relationship namin ni Mama, kung bakit hanggang ngayon naging strong ‘yung bond namin kahit 13 years kaming hindi nagsama ni Papa.
“So, magandang naging bonding ‘yun sa amin na na-share ko sa kanya ‘yung personal na. . .kung baga, may serious moments din kami na talk na parang encouragement din na huwag ma-overwhelm because he’s young, na sa mga blessings na nakukuha niya sa ABS-CBN ngayon, isa siya sa valued stars dito, na huwag ma-overwhelm, na not to take anything for granted, ganu’n,” pahayag ni KC.
Thankful naman si Paulo sa mga ginagawang ito ng aktres at aniya, sobrang naa-appreciate niya raw talaga. Para kay KC naman, masaya naman daw siya na kahit paano ay nakakapagbigay ng advices sa aktor hindi lang sa personal nitong buhay kungdi maging sa career man.
“So, happy ako na kahit paano, though marami rin akong kailangang matutunan, maganda rin ‘yung nase-share ko rin sa kanya kung ano ‘yung naging experience ko as a Kapamilya, from birth and mga things lang na natutunan ko the hard way, pwede kong i-share sa kanya para hindi na niya kailangang ma-experience ‘yung mga bagay na hindi maganda,” say pa ng leading lady ni Paulo sa Exhange Gift, ang third and final episode ng Give Love on Christmas na magsisimula na sa January 5 replacing The Gift of Life nina Gerald at Maja.