^

Pang Movies

Mga highlight ng 2014 babalikan sa Throwback!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang araw na lang, papasok na ang taong 2015. Pero bago mag-fast forward at mag-goodbye sa taong 2014, balikan ang newsmakers at noisemakers na nagtrending, umani ng maraming likes at comments hindi lang sa social media kundi maging sa publiko sa yearend special ng GMA News and Public Affairs – ang #Throwback2014.

Nasaksihan ngayong taon kung paano nakatulong ang Closed Circuit Television o CCTV cameras sa pagresolba ng iba’t ibang krimen sa bansa. Maraming netizen ang nagngitngit nang malaman ang sinapit ng 11-buwang gulang na batang ginahasa at pinatay sa San Juan City. Ginamit ding ebidensya ang CCTV sa mga kaso ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro at sa hazing victim na si Guillo Servando. 

Nagimbal naman ang marami sa mga aksidente na nangyari ngayong 2014. Kasama riyan ang bus na nalaglag sa bangin, mga eroplang bumagsak, at iba pang mga insidenteng nakakuha ng maraming comments sa social media. Sa pamamagitan pa rin ng mga post sa social media sites, nalaman ng publiko ang kondisyon ng mga nasalanta ng mga bagyong Glenda, Mario, at Ruby.

Ang Pinoy politics ngayong taon, puno ng mga isyu at kontrobersya. Nagpatuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y sangkot sa pork barrel scam.  At maging ang Disbursement Acceleration Program o DAP ni Pangulong Noynoy Aquino, naging mainit na usapin.  Nandyan din ang mga akusasyong korapsyon sa ilan pang matataas na opisyal ng bansa. 

Panatiko ring sinubaybayan ng marami ang mga maiinit na kaganapan sa sports lalo na’t muli na namang naitaas ang bandila ng Pilipinas sa  larangan ng boxing, archery, figure skating, at basketball.  

Taon din ng showbiz wedding proposals ang 2014. Kanya-kanyang gimik ang mga sikat sa pag-pop ng magic question na “Will you marry me?” Nanguna na rito ang Kapuso Royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sinundan ito ng isa pang power couple na sina Senador Chiz Escudero at Kapuso Actress Heart Evangelista. 

   Lahat ng iyan at iba pang maiinit na trending na kaganapan, abangan sa #Throwback 2014, the GMA News and Public Affairs Yearend Special, hatid nina Tom Rodriguez at Rhea Santos, ngayong Sabado, 8:30 p.m. pagkatapos ng Magpakailanman, sa GMA 7.

ANG PINOY

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

DINGDONG DANTES

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GUILLO SERVANDO

KAPUSO ACTRESS HEART EVANGELISTA

KAPUSO ROYAL

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with