James bigla-biglang nagbago ang plano nang imbitahin ni Kris

MANILA, Philippines - Idinispley ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (IG) account ang text niya kay James Yap upang imbitahan na manood ng Praybeyt Benjamin kung saan nasa cast ang anak nila na si Bimby Yap.

Eh, sa unang tugon ni James, uuwi raw siya sa Escalante sa Negros Occidental sa December 24 kaya hindi makakapunta sa invitation ng dating asawa.

Pero biglang nagbago ang isip ng basketbolista.  Binago na niya ang lipad papuntang probinsiya at sa Dec. 26 na ito uuwi.

Sa pagtugon ni James sa invitation niya, message ni Kris, “As parents, I think all of us Moms & Dads will do everything possible to show our children how proud we are of them! It’s not easy for James and me to be friendly but we share common goal – to do what’s best for Bimb and give him 100% support & love!

“Living up to our 7-year-old’s words of wisdom: When you break up, move on, and you try to be friends!”

Sa pagpunta ni James sa SM Megamall ngayong Christmas Day upang manood ng second movie ni Bimby, kumpleto kahit isang gabi lang ang pamilya ni Kris, huh!

 

Bonifacio, Shake… at Kubot maglalaban-laban sa best picture

Bakbakan na ngayong araw na ito ang walong entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Worried nga lang ang showbiz kung maipalalabas ba ang entry ni ER Ejercito na Muslim Magnum 357. Sa mga entries, tanging ang movie lang ni ER ang walang presscon, huh!

Siyempre pa, aabangan kung sino kina Kris Aquino, Vice Ganda, at Vic Sotto ang mangunguna sa takilya. Pero pagdating sa awards night, hindi na marahil sila makikipaglaban sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla at English Only, Please nina Derek Ramsay, at Jennylyn Mercado, huh!

Panlaban din sa best picture ang Shake, Rattle & Roll XV dahil sa magandang pagkakagawa ng tatlong directors. Maganda rin daw sa simula ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ayon sa nakapanood. Pero…Ay panoorin na nga lang ninyo!

Tangkilikin nating lahat ang mga pelikulang kalahok sa MMFF para naman sipagin pa ang ating film producers na gumawa nang gumawa ng pelikula, huh! 

Salubong sa bagong taonsa Maynila bongga

Magkakaroon ng New Year’s countdown sa Maynila on December 31 sa harap ng Ramon Magsaysay Building katabi ng Diamond Hotel sa Roxas Blvd.

Palilibutan ng laser light ang paligid at barges ng fireworks sa Manila Bay with matching 3D video, huh! Si President Mayor Joseph Estrada ang pipindot sa plunger para sa countdown.

Ang MARE Foundation ang katuwang ng City of Manila sa pagsasagawa ng countdown. Ang beneficiaries nito ay ang Missionaries of Charity (Home of Joy for the Sick Children), Missionaries of Charity (Home for the Abandoned Elderly).

Bago at pagkatapos ng countdown, magkakaroon ng performances ng ilang kilalang singers, artista, at banda.

Kaya naman para makaiwas sa polusyon at ingay na dala ng putukan tuwing sasapit ang Bagong Taon, sumugod at makisaya sa 2015 Countdown ng City of Manila!

Show comments