Hindi imbitado si Miley Cyrus sa family Christmas celebration ng pamilya ng kanyang boyfriend na si Patrick Schwarzenegger.
Hindi raw gusto ng ina ni Patrick na si Maria Shriver si Miley dahil nagiging masamang impluwensya ito sa kanyang anak.
Noong sabihin ni Maria na hindi welcome si Miley sa kanilang tahanan, sinagot siya ni Patrick na hindi na lang din siya a-attend ng kanilang Christmas celebration kung wala rin lang ang kanyang girlfriend.
“Maria doesn’t want her there and won’t budge. She doesn’t think it’s appropriate to have Miley around the rest of the Kennedy family.
“Patrick insists on having her there – or he will not come. They’ve been talking less and less. Every time they do talk, it ends up in an argument where Patrick is defending Miley,” ayon pa sa balita ng NewsMax.
Noong magsimulang matsismis si Patrick kay Miley, pinaramdam na ni Maria na hindi niya gusto si Miley para sa kanyang anak dahil sa pagiging masyadong kontrobersyal nito at nasasangkot sa mga hindi kanais-nais na mga tsismis.
Hindi rin pinaimbitahan si Miley sa naging birthday party ng kapatid na babae ni Patrick.
“The family had a big party on the weekend for his sister’s birthday and Miley was not invited. I’m sure it caused tension for them because there were a lot of people there, it wasn’t just family.
“If he was with his ex she would have been welcome but not Miley. That couldn’t have been easy.
“Patrick is very close to his sister he’s not going to go against what she asks, especially not on her birthday. She’s hoping that he will come to his senses and realize that Miley does not fit in his world.”
Bianca panay ang dasal para sa Once...
Hindi maitatago ng Kapuso young star na si Bianca Umali ang kanyang kaba dahil malaki ang expectations sa loveteam nila ni Miguel Tanfelix.
Full blast na ang pag-launch sa tambalan nila via the new GMA primetime teleserye na Once Upon a Kiss.
Dito na raw malalaman kung tunay ngang tanggap na nga ng publiko ang tambalang BiaMi na nagsimula sa teleserye na Niño at sa sitcom na Ismol Family.
Sinabi nga ni Bianca na ramdam na niya ang kaba dahil malaking project nga ang pinagkatiwala sa kanila ni Miguel at sana ay suportahan pa sila ng kanilang mga fans, tulad sa pagsuporta sa kanila sa Niño.
“Lagi naman pong may kaba ako tuwing may ginagawa akong project with GMA-7. Sabi nga po nila, kapag hindi ka na kinakabahan, ibig sabihin ay wala na ‘yung drive mo sa trabaho.
“Eh ako po, laging gusto ko pong maayos at nasa lugar ang pagtatrabaho ko. Kaya heto may kaba po talaga,” ngiti pa niya.
Isa ba sa ikinakakaba ni Bianca ay ang itapat ang tambalan nila ni Miguel na BiaMi sa number one loveteam ng ABS-CBN 2 na KathNiel nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Balita kasing baka magkatapat ang Once Upon a Kiss at ang remake ng Pangako Sa ‘Yo.
“Opo naman. Talagang nandoon po ang matinding kaba naming lahat.
“Pero malaki naman po ang paniniwala namin sa ginagawa naming project ngayon ni Miguel.
“Hindi po kami nakikipag-compete. Mas nauna po talaga sila at nagsisimula pa lang ang BiaMi,” pagtatapos pa ni Bianca Umali.
Dating child actor na si Miggy Jimenez type si Anne Curtis
Future leading man ang dating ng dating child actor na si Miggy Jimenez.
Nagsimula ito sa GMA-7 sa mga shows na Daddylicious, Futbolilits, Tropang Potchi, One Day Isang Araw, at With a Smile.
Now at 15-years old, pumayat at tumangkad na si Miggy at feel na feel nito ang pagbibinata niya.
Kasama siya sa cast ng Once Upon a Kiss at gaganap siya bilang best friend ni Miguel Tanfelix.
Pareho ngang kaibigan ni Miggy sina Miguel at Bianca kaya masaya siyang nabibigyan na sila ng big break dahil sa loveteam nila na BiaMi.
Wala pa nga raw nililigawan si Miggy dahil pinagbabawalan nga raw siya ng parents niya at sinabihang unahin ang kanyang career at pag-aaral.
Pero hindi naman napigilan si Miggy na magkaroon ng crush at iyon ay walang iba kundi si Anne Curtis.
“Maganda po si Anne at sikat na sikat siya. Sana dumating ang panahon na makatrabaho ko siya sa pelikula,” diin pa ni Miggy.
Hinahangaan niya ang galing sa pag-arte nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes. Pangarap niyang maging leading man sa teleserye balang-araw.