Pinilahan na ng mga manonood ang red carpet premiere night ng My Big Bossing sa SM Megamall Cinema 10, entry sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula na bukas, December 25. Naawa nga kami sa maraming nanay na karay-karay ang mga anak nila na gustong unang makapanood ng franchise movie ni Vic Sotto. Nakikiusap silang bumili ng tickets pero hindi naman for sale ang premiere night tickets at ubos na dahil SRO na ang loob ng sinehan. Ang tickets na lamang ay para sa mga invited entertainment press. Star-studded ang premiere night na dinaluhan nina Bossing Vic, Ryzza Mae, Marian Rivera (kasama ang mama, lola at mga batang kapatid niya), Pauleen Luna, Nikki Gil, at iba pang cast ng movie.
Maraming humanga kay Ryzza Mae Dizon dahil tampok siya sa tatlong episodes na lahat ay siya ang bida. Mahuhusay lahat ang pagganap niya sa bawat character na ibinigay sa kanya, sa episodes na Sirena, Taktak, at Prinsesa. Naalaala namin ang sinabi ni Direk Joyce Bernal na doon sa dramatic scene ni Ryzza Mae sa gumaganap niyang inang si Reyna Beatriz (Nikki Gil), kinausap siya ni Aleng Maliit na huwag daw siyang ika-cut habang nag-i-internalize siya sa eksena para siya makaiyak. Naniniwala si Bb. Joyce Bernal na hindi siya magtataka kung muling ibibigay ang Best Child Actress kay Ryzza sa Gabi ng Parangal ng MMFF sa Saturday, December 27 tulad noong sa MMFF 2013.
Based sa tawanan, tilian, at palakpakan ng mga manonood, marami rin ang naniniwalang magta-top sa box-office ang movie na binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng G (General Patronage) at Grade B mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).
KC namana ang pagiging galante ni Sharon
Naging very generous si KC Concepcion sa ibinigay niyang Thanksgiving and Christmas Get Together with the entertainment press pagkatapos ng presscon niya ng special Christmas episode na Give Love on Christmas na Exchange Gift na mapapanood na simula sa Monday, January 5, 2015, 11:30 a.m. sa ABS-CBN. Katambal niya ang kanyang special friend na si Paulo Avelino at ayaw pa rin nilang aminin na may something sweet na going on between them.
Maraming-maraming salamat KC for your generosity at sabi nga, isang magandang trait iyon na nakuha niya sa mommy niyang si Megastar Sharon Cuneta.
Rocco sinukuan na si Kris
No problem kay Rocco Nacino kung sa ending ng primetime soap nila sa GMA-7 na Hiram na Alaala ay hindi sila ang magkakatuluyan ni Andeng (Kris Bernal). For a change daw naman, iba ang maging ending ng isang soap na hindi ipipilit na maging sila ni Kris dahil mas deserving naman si Ivan (Dennis Trillo) na tunay na nagmamahal kay Andeng. Natawa si Rocco nang biruin namin na hindi man sila nagkatuluyan as sweethearts ni Sheena Halili off-camera, sila naman ang nagkatuluyan nito as Yasmin sa Hiram na Alaala.