^

Pang Movies

Jorge Estregan at Muslim Magnum wala pa ring paramdam

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang hapon na ang Parade of Stars ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang assembly time ay 1:00 p.m. sa Aseana City Hotel in Parañaque City. From there, pangungunahan ni MMDA Chairman at Over-All Chairman ng MMFF Francis Tolentino ang parade simula sa Bradco Avenue, left to Diosdado Macapagal Blvd., right to Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), left to Roxas Blvd. all the way to Quirino Grandstand in Luneta para sa isang program hosted by German Moreno.

Narito ang pagkakahanay ng eight official entries sa MMFF: Bonifacio, Ang Unang Pangulo nina Robin Padilla at Vina Morales; My Big Bossing nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon; ang trilogy na Shake, Rattle & Roll XV; Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin; The Amazing Praybeyt Benjamin nina Vice Ganda, Richard Yap at Bimby Aquino Yap; Muslim Magnum .357 ni Jorge Estregan at Sam Pinto; English Only, Please nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado at Kubot: The Aswang Chronicles 2 ni Dingdong Dantes. Tahimik pa ang kampo ng actor na si Jorge Estregan tungkol sa kanyang pelikulang Muslim Magnum .357. Wala pa silang presscon kaya maraming nagtatanong kung kasali raw ba talaga sila sa MMFF?  Iri-release ang movie ng Viva Films.

Direk Joyce pinaghalik na sina Miguel at Bianca

Maganda ang pasabog ng GMA-7 simula sa January 5, 2015, at inamin ni Direk Joyce Bernal na napi-pressure siya dahil first fairy tale ang romantic-comedy series ang Once Upon a Kiss, her first in her many years na niyang nagdidirek ng TV shows and movies. At opening salvo pa ito ng network, pero alam daw niyang magugustuhan ng mga televiewer ang teen love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. At kahit siya ay na-excite sa magandang chemistry ng dalawa niyang bida.

Kahit daw sabihin na lumang story na ito ng rich boy-poor girl story, sinisiguro ni Bb. Joyce Bernal na may intriguing twists and turns para mahalin ng mga manonood sina Miguel at Bianca. Inirereklamo lamang ng cast at production staff ang sobrang la­mig sa Tagaytay, at sa location nila ng pineapple plantation sa Silang, Ca­vite. Pero kapag take na, game na game sila. Sa trailer ng soap, natanong kung paano sila nakapagtanim ng pinya kahit hindi pa ito in season?  Tawa nang tawa si Direk Joyce at ikinuwento na bumili sila ng napakaraming pineapple, kahit mahal ang presyo nito, at itinanim at ginawang Royal Pineapple plantation na pag-aari ni Senyor King played by Michael de Mesa, lolo ni Miguel sa story.

May kissing scene ba between Miguel and Bianca?

“Kailangan, eh,” sagot ni Bb. Joyce.  “But it will be a simple kiss, parang binibigla lagi ni Miguel si Bianca, sapat para kiligin ang mga fans. Si Miguel kasi, mahal ng camera, si Bianca, napakaganda at parehong very intense ang acting nila, kung minsan, pinipigilan ko sila at sinasabihan kung kailan dapat nilang ga­wing drama ang eksena.

Iyon lamang ang maganda kapag ang mga artista mo ay bago pa lamang, madali silang idirek, hindi tulad ng ibang artista na kapag marami nang nagawang soap, parang napagsasama-sama nila ang mga characters nila.”

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

ANG UNANG PANGULO

BIANCA

DIREK JOYCE

JORGE ESTREGAN

JOYCE BERNAL

MIGUEL

MUSLIM MAGNUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with