Naging mas close na si Nova Villa sa mga anak at apo ng kanyang yumaong kapatid na si Tiya Pusit.
Inamin ni Tita Nova na hindi naging malapit sa kanya ang mga ito noong nabubuhay pa si Tiya Pusit. Pero ipinakita naman niya na puwede siyang malapitan ng mga ito anytime lalo na noong wala na ang kanilang ina at lola.
“Kami naman ni Pusit, kahit na nagtatalo kami, meron kaming hindi napagkakasunduan, we are still family. Magkapatid pa rin kami hanggang sa huli.
“Kaya noong wake at burial niya, inasikaso ko talaga. Na-appreciate iyon ng mga pamangkin at apo ko kay Pusit at doon na sila naging malapit sa akin.
“Ngayon, panay ang usap namin. Tinatanong ko kung may mga kailangan ba sila dahil nandito lang ang Tita at Lola Nova nila.
“Baka this Christmas, sa Tagaytay kaming lahat magsasama-sama.
“Pangako ko kay Pusit na ako na ang tatayong ina at lola ng mga batang ito. Ang I know that she’s happy dahil tinupad ko naman ang promise ko sa kanya,” maramdaming tugon ni Tita Nova.
Muling magiging busy si Tita Nova dahil kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Once Upon a Kiss bilang butihing lola ni Bianca Umali.
Kaya raw hindi siya makapag-Christmas sa Amerika ngayon dahil may bago siyang teleserye.
“Yun ang unang plano. Kung wala akong teleserye pa, baka nasa US ako with my daughter because she just had twins. Pero dahil may trabaho tayo, rito na tayo mag-Pasko at makasama ko naman mga pamangkin at mga apo ko kay Pusit,” pagtatapos pa ni Nova Villa.
Ramon Bautista persona non-grata pa rin sa Davao
Nagiging maingat na ang TV and radio personality-comedian at university professor na si Ramon Bautista na makapagbitiw siya ng joke na puwedeng ikagalit ng marami sa kanya.
Kung matatandaan ay na-persona non-grata siya sa Davao dahil nagbiro siya tungkol sa maraming hipon sa Davao noong nakaraang August 16 habang nagaganap ang Kadyawan Festival.
Ikinagalit nga iyon ni Davao Mayor Rodrigo Duterte at ng Davao City Council kaya dineklarang persona non-grata siya.
Nang hingan namin ng update si Ramon tungkol dito, sinabi nito na nakapag-usap na raw sila ni Mayor Duterte, pero persona non-grata pa rin daw siya sa Davao.
“We’re okay now. Nag-usap na kami. I already apologized sa mga naging biro ko.
“I am hoping na ma-lift na iyong persona non-grata sa akin.
“Like what I always said, nagkamali ako at hindi ako naging masyadong sensitive sa feelings ng ibang tao. Akala ko na porke’t biro or joke, matatanggap ng lahat.
“I am praying na maayos na namin ito,” diin pa niya.
Nagbigay babala rin si Ramon sa mga kapwa niya komedyante na maging maingat at maging sensitibo sa mga binibitawan nilang mga jokes sa public.
“Naging eye opener sa akin ang nangyaring ito sa akin. I never thought na mangyayari ito sa tulad ko.
Nagbabalik si Ramon sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2 na isa sa official entries ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa unang Tiktik: The Aswang Chronicles ay namatay ang character niya. Pero dito sa Kubot ay ibang character na ang gagampanan niya.
“Masyadong natuwa si Direk Erik Matti sa atin kaya isinama ulit ako. Kung paano ma-explain ang new role ko, kailangan panoorin nila ang movie sa December 25,” pagtatapos pa ni Ramon Bautista.
Kauna-unahang People Magazine Awards matagumpay na naidaos
Naging star-studded ang naganap na 1st People Magazine Awards last December 18. Ang naging host nito ay si Nick Cannon at mga nag-perform ay sina Gwen Stefani, Pharrell Williams at 5 Seconds To Summer.
Heto ang list of winners: Comedy Star of the Year: Kevin Hart; TV Performance of the Year, Actress: Lisa Kudrow on The Comeback; TV Performance of the Year, Actor: Jon Hamm on Mad Men; Model of the Year: Karlie Kloss; Next Generation Star: Chloe Grace Moretz; Celebrity Role Model of the Year: Kate Hudson; People’s Sexiest Woman Alive: Kate Upton; Talk Show Host of the Year: Jimmy Fallon; Movie Performance of the Year, Actress: Jennifer Aniston in Cake; Movie Performance of the Year, Actor: Michael Keaton in Birdman; Style Icon of the Year: Gwen Stefani; Breakout Star of the Year: Billy Eichner; TV Couple of the Year: Mindy Kaling and Chris Messina on The Mindy Project; Hero of the Year: Nora Sandigo; Cover of the Year: Robin Williams; Triple Threat: Jennifer Lopez.