^

Pang Movies

Hindi pa raw sila puwede ni Kathryn ‘Time is money’ - Daniel

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ilang beses tumanggap ng palakpak si Robin Padilla at ang mga eksena ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo sa grand red carpet premiere night ng movie sa SM Megamall Cinema 9 last Friday evening. Star-studded din ang gabi sa pagdalo nina Robin, Vina Morales, Daniel Padilla, Jasmine Curtis Smith, Rommel Padilla, Isabel Oli, Jericho Rosales, Jun Jun Quintana, Cholo Barretto, Ping Medina with Dad Pen Medina at dumating din ang special guest ni Robin, si Superstar Nora Aunor. Naroon din ang mga anak ni Robin na sina Queenie, Kylie, Zhen Zhen, at Ali. Official entry ang movie sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB), hindi kami magtataka kung humakot muli ng award  ang pelikula ni Robin ngayon tulad ng nangyari sa 2013 MMFF Gabi ng Parangal ng pelikula niyang 10,000 Hours.

Humanga kami kay Director Enzo Williams na sa first movie directorial job niya ay napakaganda ng cinematography, sound, musical scoring, editing.

Ang story ay itinama ng mga historians at scriptwriters sa ilang mali sa buhay ni Andres Bonifacio. Commendable rin ang acting ni Vina Morales na matagal na ring hindi gumagawa ng pelikula. Mahuhusay lahat ang acting ng bumubuo ng cast.

Sana nga lamang ay panoorin ito ng mga tao para hindi masayang ang hirap ng buong cast at ang malaking budget ng mga producers na sina Rina Navarro at Ed Rocha.

Tiyak na isa rin sa pinakamaganda at pina­ka­malaking float ng MMFF parade of stars ang sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo dahil sasakay lahat ang bumubuo sa cast, sa Martes, December 23, na magsisimula sa SM Mall of Asia at magtatapos sa Luneta.

Bago ang premiere night ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo, nagkaroon ng solo presscon si Daniel Padilla kasama ang Uncle Robin Padilla niya, ang amang si Rommel at mga kapatid at itinama nila ang balitang ayaw payagang mag-promote si Daniel ng kanilang movie. Hindi na raw naman kailangan siyang magpaalam sa ABS-CBN dahil family naman niya ang katrabaho niya, pero out of respect nagpaalam pa rin siya. Naging parang bonding moments daw nila ang shooting dahil pamilya niya ang kasama niya. Sinagot din niya ang pangba-bash ng mga fans kay Jasmine Curtis Smith dahil ginawa nito ang Bonifacio na siya ang katambal.

“Sa social media, maraming nagmamarunong, masyado silang maraming alam,” sagot ni Da­niel. “Nalulungkot talaga ako kung bakit ganito ang nangyari, pati uncle at dad ko, idinadamay nila. Nandito lamang kami para magpasaya bakit gumugulo ng ganito. Ilang beses ko nang sinabihan ang mga fans pero ayaw pa nilang tumigil.

Sa balitang sila na raw ni Kathryn Bernardo: “Ako lamang ang makasasagot tungkol diyan, ang masasabi ko lang, hindi pa puwede. Let’s wait, Time is money. So, hintayin na lang natin.”

For his next soap sa ABS-CBN, magsisimula silang mag-taping ni Kathryn ng remake ng Pangako Sa ‘Yo. May gagawin din silang yet untitled movie sa Star Cinema next year.

ANDRES BONIFACIO

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO

CHOLO BARRETTO

CINEMA EVALUATION BOARD

DANIEL PADILLA

JASMINE CURTIS SMITH

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with