MANILA, Philippines - Christmas is a time to be thankful; pasasalamat para sa mga bagay na nagbigay ayos sa ating mga buhay, sa mga oras na naigugol natin kasama ang ating pamilya, at pasasalamat sa mga taong nagiging inspirasyon natin para magpakabuti. Tulad ni Fernando Gonzales, Hari ng Kalsada: ang Traffic Enforcer na Turon Best Seller.
Hindi na bago ang mga reklamo laban sa mga MMDA officers na mapang-abuso at nangongotong, o ang mga balita tungkol sa mga kawawang MMDA officers na nababastos at inaaway.
Kaya naman marami ang natuwa nang kumalat ang balita tungkol kay Fernando Gonzales, isang MMDA officer na mabait, at may kakaibang pamamaraan para makadagdag sa kinikita nang walang taong naaagrabyado.
Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco para kilalanin si Fernando Gonzales, at alamin kung paanong ang isang traffic constable ay naging isang viral news sensation.
Sundan ang kuwento ng buhay ni Fernando Gonzales, mula sa kaniyang pagpili ng kaniyang career, sa kakaibang pagkilala nila ng kaniyang naging misis, at kung paano nila naisip maging turon at tupig vendor.
Ano na ang nangyari kay Fernando pagkatapos niyang maging viral?
Itinatampok si Ricky Davao bilang Fernando Gonzales, kasama sina Ms. Lani Mercado, Alicia Alonzo, Robert Ortega, Sheila Marie Rodriguez, Rosemarie Sarita, Menggie Cobarrubias, Justin de Leon, at Lou Sison.
Mula sa direksyon ni Argel Joseph, huwag palagpasin ang Magpakailanman – Hari ng Kalsada: Traffic Enforcer, Turon Best-Seller ngayong Sabado (December 20) pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.