^

Pang Movies

Angel Locsin todo suporta sa Ala Eh! ni Gov. Vi

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasabik ang mga Taaleño sa nakansela na Voices Songs & Rhythms (VSR) na bahagi ng Ala Eh! Festival ng Batangas dahil sa bagyong Ruby na sumasagasa sa probinsiya. December 7 ang original na sked ng singing contest pero iniliban muna kaya nu’ng matuloy ito nu’ng Huwebes, Disyembre 18, umaapaw talaga ang taong dumagsa sa venue sa harap ng Basilica ng Taal!

Star studded palagi ang VSR na pet project ni Gov. Vilma Santos-Recto tuwing founding anniversary ng Batangas. Isang linggong festival ang nagaganap at nitong taon, ang munisipyo ng Taal ang sponsor through the assistance of Mayor Mike Montenegro at Vice Ma­yor Pong Mercado.

Pangalan pa lang ng mga artista at performers ang binabanggit ng voice over announcer, naka­bi­­bingi ang hiyawan at palakpakan ng tao. Halos mabasag nga ang aming eardrums nang naglabasan na sa stage ang guests performers at judges na sina Angel Locsin, Bea Binene, Rachel Alejandro, Xian Lim, Mark Herras, Basilio, Jovit Baldivino, Tirso Cruz III, Rey Valera, Vehnee Saturno, Jamie Rivera, EJ Falcon, at mga host na sina Cesar Montano, AiAi de las Alas, Arnell Ignacio, Ma­xene Magalona, at Luis Manzano.

“Ito hong mga ito ay hindi nagpabayad. Itong mga ito ay nandidito upang makiisa sa atin at upang ipakita po na sila ay nakikiisa sa selebrasyon natin ng Ala Eh! Festival!” saad ni Gov. Vilma sa kanyang speech.

Siyempre pa, ang pinaka-star nu’ng gabing ‘yon ay si Governor Vilma Santos-Recto na sinamahan ng asawang si Senator Ralph Recto at anak na si Ryan Christian nang lumabas sa stage. Bago nagsimula ang labanan sa kantahan, nagbigay ng talumpati si Gov. Vi.

“God is good!” panimula niya. Dumaan man ang bagyo sa Laiya, Batangas, wala namang masyadong casualty na idinulot ito. Kaya naman natuloy na ang VSE at sa December 22, ‘yung isa pang activity na parade ng mga karosa ang mangyayari.

“Dahil sa inyong mga dasal, natakot po ang bagyong Ruby dahil sa dasal ninyong lahat!” saad pa ng Batangas governor.

Isa sa performers that night si Xian Lim. Inanunsyo ni Ate Vi na baka makasama niya ang aktor sa next movie niyang gagawin sa Star Cinema.

Siyempre, isang bonggang pasasalamat ang ibinigay ni Governor Vi kay Mother Lily na malaki ang naging bahagi ng selebrasyon simula nu’ng umpisahan ito last December 1 hanggang sa VSR dahil sa kanyang Taal Imperial Resort & Hotel tumuloy ang mga artistang guests.

“Mother, I love you! Salamat sa lahat ng tulong, Mother!” pagmamalaki ni Gov. Vilma.

Binigyang-puri rin ni Gov. ang asawang si Sen. Ralph.

“Sa kanya ko natutunan ang lahat ng ugaling Batanggenyo. Siya rin ang nagsabi sa akin na, mawala na yaman, huwag lang ang yabang! ‘Yan ang natutunan ko po sa taong ito!

“Ang taong minamahal ko, may mentor, ang akin pong adviser, ang akin pong guro, ang mahal ko at ang bunso kong anak, my husband, my friend, my mentor and my youngest son, Senator Ralph Recto! “ deklara ng Batangas governor.

“Ang tawag sa kanya ay Basoy! Batang­genyong Tisoy!” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Ate Vi ang kanyang mga Vilmanians.

“Ang naituro ko rin kay Vilma na isa, walang babaeng makipot sa lalaking malikot! Ha! Ha! Ha! Siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!” biro ni Sen. Ralph.

Matapos ang speech ni Gov. Vi ay sinimulan na ang palabas kung saan dalawang dibisyon ng contestants ang naglabanan, ang mga bata at ‘yung above 18 years old na. P100,000.00 ang cash prize sa grand champion sa bawat division.

Sa totoo lang, hindi lang sa Ala Eh! Festival ipinaramdam ni Gov. Vilma ang pasasalamat niya kay Mother Lily. Sa filmfest movie ng Regal na Shake, Rattle & Roll XV, nagbigay siya ng endorsement ng movie na nakikita sa trailer ng movie.

“I am so touched! Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ni Vilma sa Regal at sa akin! Mahal na mahal ko si Ate Vi!” sabi sa amin ni Mother Lily.

ALA EH

ANGEL LOCSIN

ATE VI

BATANGAS

MOTHER LILY

VILMA

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with