^

Pang Movies

Gladys iiral na naman ang katarayan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nais din sana ni Gladys Reyes na magkaroon ng bagong season ang kanyang daily morning show na Basta Every Day Happy.

Unang intention ay for one season lang ang show, pero dahil sa marami ang natutuwa sa kanilang show, umabot sa tatlong seasons ito.

Wala pa raw natatanggap na news si Gladys kung mabigyan pa sila ng ika-4th season.

“Nae-extend lang kami kasi para tapusin na lang ang December and early part of January 2015.

“Siyempre, gusto naming lahat na mabigyan pa kami ng isa pang season. Para masaya lahat, ‘di ba?

“Pero depende naman ‘yan sa management. Wala naman kaming magawa kung gusto na nilang tapusin yung show.

“Magpaalam man kami, at least for three seasons ay napasaya namin ang umaga ng marami.

“Marami silang natutunan sa amin and at the same time, marami kaming nakuhang kabuluhan na mga topics mula sa aming mga guests every day,” sey pa ni Gladys.

Isang teleserye nga ang gagawin ni Gladys next year. Na-miss din daw niya ang umakting dahil ang huling teleserye niya ay ang Kambal Sirena.

“Oo nga at marami na ang nagre-request na umakting ulit ako. Miss na raw nila ang katarayan ko.

“Puwes huwag silang mag-alala at mapapanood na nila ulit ako sa isang teleserye. Abangan na lang nila,” ngiti pa niya.

Sa show naman niyang Moments, may special episode sila na kinunan sa Korea at sa 2015 ay may Europe special naman daw silang gagawin.

“Yun ang naging plano ng Net25 chairman namin. Moments In Europe. Magandang concept for the show, ‘di ba? Yaman din lang at marami tayong mga kapatid sa INC sa iba’t ibang countries sa Europe.”

 Sa Singapore nga ang planong bakasyon ng buong pamilya ni Gladys sa New Year. Nakabili na nga raw siya ng tickets at wish niyang walang maging aberya para matuloy na sila.

“May problema lang kami sa passport ni nanay. Inaayos na namin. Sana maayos agad para matuloy ang New Year namin sa Singapore.

“If ever na hindi agad maayos, puwede naman naming i-move sa March para eksaktong summer vacation ng mga bata.”

Busy rin si Gladys sa kanyang trabaho bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board. Marami nga raw silang naging projects nitong 2014 kaya tuwang-tuwa sila sa mga nagiging resulta in terms na pagbawas sa video piracy.

Norte ni Lav Diaz may tsansa sa Oscars

Happy nga ang mga taong involved sa pelikula ni Lav Diaz na Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (North The End Of History) dahil bukod sa pagiging Philippine representative nito sa best foreign language category sa Oscar Awards ay nakakuha ito ng nomination bilang Best International Film sa 30th Film Independent Spirit Awards at bilang Best Foreign Language Film of the Year sa 35th London Film Critics’ Circle Awards.

Nagpalakas nga ng chances sa Norte na mapansin at baka makapasok na sa top five nominees sa Best Foreign Language category ng Oscars.

Hindi nga nakapasok bilang nominee sa Golden Globes at Critic’s Choice Movie Awards ang Norte.

Sa Film Independent Spirit Awards, makakalaban ng Norte ay ang mga frontrunners na Ida, Leviathan, Two Days One Night, at Winter Sleep.

Ang naging distributor nga ng Norte sa US ay ang New York-based na The Cinema Guild.

Stephen Collins ng dating TV series na 7th Heaven umamin sa pangmomolestiya sa mga batang babae!

Inamin na nga ng Hollywood actor na si Stephen Collins ang kanyang “inappropriate sexual conduct” with underage girls.

Nakilala si Collins bilang father-pastor sa hit series noong 90’s na 7th Heaven at itong taon na ito ay naakusahan siya for being a sexual predator sa mga kabataang babae.

Sa isang thousand-word statement ay inamin ni Collins sa People magazine ang kanyang inexcusable behaviour. Inamin niya na naging biktima niya sa kanyang pagiging sexual recklessness ang tatlong teenage girls at naganap iyon between 1973 hanggang 1994.

Since 1994 ay wala na raw siyang hinalay na.

“I deeply regret the mistakes I’ve made and any pain I have caused these three women. I admit to, apologize for and take responsibility for what I did.

“Forty years ago, I did something terribly wrong that I deeply regret. I have been working to atone for it ever since. I’ve decided to address these issues publicly because two months ago, various news organizations published a recording made by my then-wife, Faye Grant, during a confidential marriage therapy session in January 2012. This session was recorded without the therapist’s or my knowledge or consent.

“On the recording, I described events that took place 20, 32, and 40 years ago. The publication of the recording has resulted in assumptions and innuendos about what I did that go far beyond what actually occurred.

“As difficult as this is. I want people to know the truth.”

Dagdag pa ng 67-year-old actor na nagpapa-therapy siya for 20 years dahil sa sakit niyang ito. Kaya noong gawin niya ang show na 7th Heaven kunsaan gumanap siya bilang si Reverend Eric Camden, maayos na raw ang pagkatao niya.

“I appeared for eleven seasons on a television series with a cast that included minor females in our TV family, and countless other young actresses throughout the show’s 11 years. I never behaved inappropriately on or off that set—or on any set I’ve ever worked on.”

BASTA EVERY DAY HAPPY

GLADYS

LAV DIAZ

NEW YEAR

NORTE

SHOW

STEPHEN COLLINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with