MANILA, Philippines – Move on na si Jasmine Curtis-Smith sa nangyaring audio scandal nila ni Daniel Padilla. Hindi ito naging hadlang upang maasiwa sila sa isa’t isa sa festival entry ni Robin Padilla na Bonifacio, Ang Unang Pangulo.
Sa totoo lang, handa raw si Jasmine na makasama ang Kathniel loveteam sa isang project. Wala naman kasing malisya ‘yung pagiging malapit nila ni Daniel dahil secured naman siya sa boyfriend na si Sam Concepcion, huh!
‘Yun nga lang, pagdating naman sa panig ng tiyuhin na si Robin Padilla, gusto niyang tingnan lahat ng pamangkin ang kapaligiran. “Maganda ang kapaligiran kaya naman tingnan lahat ‘yon ng pamangkin na Daniel,” rason ni Robin sa presscon ng Bonifacio.
‘Yun nga lang, no comment ang ama ng teen king na si Rommel Padilla sa kontrobersiya ng anak at ni Jasmine. “Sa nangyari, gusto ko na mag-focus siya sa kanyang karera at pagbutihin niya ito!”
Wala sa presscon ng Bonifacio si Daniel na malaki ang role upang ipaaalam sa kabataan ang tungkol kay Bonifacio. Sila ni Jasmine ang magkatuwang sa pagkukuwento ng bayani ng rebolusyon.
Naudlot na Voices, Songs, & Rhythm dahil kay ‘Ruby’ tuloy na tuloy na!
Tuloy na ngayong gabi ang nakansela na Voices, Songs, & Rhythm na pet project ni Governor Vilma Santos-Recto. Bahagi ng Ala Eh! Festival ang nasabing singing search.
Sa Taal, Batangas ang venue ng nasabing festival kaugnay ng founding anniversary ng Batangas. ‘Yun nga lang, dinale ng bagyong Ruby ang lalawigan kaya kailangang kanselahin ‘yon.
Komo nga maayos na ang panahon, ngayong gabi dinesisyunan na gawin ang labanan ng mga magagaling na singers na mula sa Batangas. Imbitado ang malalaking singers at artista upang mag-judge at mag-perform sa VSR!
Patricia Javier mag-iikot sa iba’t ibang lugar para ikampanya ang trabaho ng asawa
Dito muna pala maninirahan sa bansa ang sexy star na si Patricia Javier kasama ang asawa na chiropractor at anak.
Nagkita kami ng dati naming alaga na si Patricia sa party ng Entertainment Press Society (ENPRESS) sa Stone House Apartelle. Seksing-seksi pa rin ang hitad kahit may anak na, huh!
Ayon kay Genesis (tunay niyang pangalan), naglilibot sila ng asawa sa iba’t ibang lugar para ipadagdag sa kaalaman ng publiko ang kahalagahan ng pagiging balanse ng katawan. Hindi pa kasi masyadong aware ang Pinoy sa chiropractor.
Kaya naman plano ni Patricia at ng asawa na i-chiropractor ang members ng ENPRESS, huh! Mga fifteen to twenty minutes lang daw ang itatagal nito.
Bukod sa pag-assist sa asawa sa trabahong ito, handa na rin si Patricia sa pagbabalik sa pag-arte.