DepEd tumangging suportahan si Bonifacio!
‘Sad si Robin Padilla na hindi nakakuha ng suporta ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na entry nila sa 40th Metro Manila Film Festival simula sa December 25, mula sa Department of Education para maipakita nila sa mga kabataan ngayon ang tunay na istorya ni Andres Bonifacio. Sinaliksik kasi ng mga kilalang historian kung sino talaga si Bonifacio, hindi bilang sa nakilalang isang rebelde kundi tao ring marunong magdasal, magmahal at ihain ang buhay para sa kanyang bansang Pilipinas.
Sa kabila raw ng malaking ginastos nila para mabuo ang pelikula mula sa director nitong si Enzo Williams, malungkot lamang na walang government support, ginawa raw nila ang lahat para lumapit sa mga taga-gobyerno pero mukha raw talagang kahit ang gobyerno ay ayaw din nilang malaman kung ano ang totoo.
Sa budget na aabot sa mahigit isang daang milyong piso, hindi raw sila umaasang mababawi at mas kikita pa sila, ang gusto lamang nila maipakita ang totoo sa buhay ni Bonifacio.
Ayon kay Robin, nirerespeto niya ang mga naunang gumawa na ng buhay ni Bonifacio, tulad ni Congressman Alfred Vargas at ang kanyang Supremo, pero layunin lamang nila na maipakita ang totoo para ang mga kabataan ngayon malinawan sa tunay na pangyayari sa ating kasaysayan.
Isang naiibang float din ang sasakyan ng buong cast sa parade of stars sa December 23. Bumubuo rin sa cast sina Vina Morales, Jasmin Curtis Smith, Eddie Garcia, Isabel Oli, Daniel Padilla, RJ Padilla, Isko Moreno, Rommel Padilla, Jericho Rosales, Cholo Barretto, Ping Medina, Richard Quan, at Joem Bascon.
Dennis wala pang trabaho sa GMA, concentrated muna sa pagda-drama nila ni Maja
Masaya si Dennis Trillo sa ibinalita sa kanya sa grand presscon ng Shake, Rattle & Roll XV na entry ng Regal Entertainment sa 40th Metro Manila Film Festival simula sa December 25. Napanood na raw ni Mother Lily ang tatlong episodes na Ulam nina Dennis at Carla Abellana, Ahas nina Erich Gonzales at JC de Vera at Flight 666 nina Lovi Poe, Matteo Guidicelli, at Daniel Matsunaga, at ang pinakanagustuhan daw nito ay ang Ulam episode, dahil talagang natakot daw siya at ang husay ng acting ni Dennis. Nagpasalamat si Dennis sa ikinuwento sa kanya.
Natanong si Dennis kung ano ang naramdaman niya matapos bigyan ng Highly Recommeded ang acting niya sa My Husband’s Lover sa katatapos na Asian Television Awards held in Singapore last December 11. Equivalent daw ito sa second best actor award. Hindi raw nawalan ng saysay ang pagpunta niya sa Singapore, na naging presenter din siya ng ibang awards. Hindi na raw siya nag-expect na magiging Best Actor nang mabasa niyang dalawa ang entry ng nanalong Singaporean actor.
Masaya raw silang bumalik ni Direk Dominic Zapata sa taping nila ng Hiram na Alaala na full-time na sila sa pagti-taping dahil matatapos na sila sa first week of January, 2015. Sa ngayon, wala pa siyang gagawing bagong soap at ang concentration niya sa paggawa muna ng movies.
Last movie contract niya sa Regal Entertainment ang ginagawa niyang co-production project ng Star Cinema at Regal na may tentative title na Now and Forever nila ni Maja Salvador. Hindi raw ito romantic-comedy movie but a straight drama movie. Nagsimula na silang mag-shooting at showing na sila sa January, 2015.
- Latest