Hindi taon ng Pilipinas ang manalo sa mga international beauty pageants ngayon. Kung last year ay tatlo ang naiuwing beauty titles ng Pinay, this year ay wala.
Nitong huli ay talo ang Pilipinas sa Miss World Beauty Pageant na ginanap sa London. Nakapasok man sa top 25 ang ating Miss Philippines na si Valerie Weigmann, bigo naman siyang makaabot sa finals.
Noong Sunday ng gabi pa lang ay alam na ng marami na si Miss South Africa Rolene Strauss ang nagwaging Miss World 2014. Isa si Miss South Africa sa early favorites ng Miss World kaya hindi kataka-takang siya ang nagwagi.
Ang First Princess ay si Miss Hungary Edina Kulcsar at Second Princess naman si Miss USA Elizabeth Safrit.
Ang nakasama pa sa Top 5 ay sina Miss Australia Courtney Thorpe at Miss England Carina Tyrrell.
Wala ring naiuwing special award si Valerie. Nakakuha ng Multimedia Award ay si Miss USA. Ang Top Model winner naman ay si Miss Bosnia & Herzegovina. Ang Beach Fashion Award ay si Miss Sweden. Miss Talent si Miss Malaysia at People’s Choice si Miss Thailand.
Ang nagwagi naman sa Beauty with a Purpose Award ay sina Miss India, Miss Kenya, Miss Brazil, Miss Indonesia, and Miss Guyana.
Si Megan Young (Miss World 2013) ang nagsilbing host ng pageant at tiyak na malungkot ito dahil hindi natupad ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss World.
Higit na 121 candidates ang sumali sa Miss World ngayong taon.
Ang pag-asa na lang ng Pilipinas ay ang muling manalo sa Miss Tourism International na gaganapin sa December 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Two years in a row nagwagi ang Pilipinas sa pageant na ito. Ito ay sina Rizzini Alexis Gomez noong 2012 at Angeli Dione Gomez noong 2013.
Pero ang unang panalo ng Pilipinas sa naturang pageant ay noong 2000 at si Maria Esperanza Manzano ang ating representative.
Ang Miss Universe naman ay hindi natuloy ngayong 2014 at sa January 2015 na ito magaganap sa Florida, USA.
Si MJ Lastimosa ang siyang mag-represent ng ating bansa at inaasahang maiuwi na niya ang korona.
Kahit minalas sa beauty pageant bagong ‘babae’ ni Dingdong sinuwerte sa showbiz
Masuwerte ang newcomer na si Hanna Ledesma dahil unang pelikula pa lang niya ay si Dingdong Dantes na ang ka-partner niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2.
Naging candidate nga ng Bb. Pilipinas Pageant ngayong taon si Hanna pero hindi siya pinalad na makakuha ng titulo. ‘Yun pala ay sa showbiz siya patutungo.
Graduate ng business management sa Ateneo de Manila University si Hanna at nakapagtrabaho na ito sa isang kilalang IT corporation.
Si Direk Erik Matti ang naka-discover kay Hanna at siya ang kinuha niyang replacement sa role ni Lovi Poe.
Kung matatandaan ay nagkaroon ng hindi magandang experience si Direk Erik kay Lovi dahil ayaw nitong mag-shoot para sa naturang movie.
“I am thankful kay Lord dahil dream come true ito para sa akin. I really wanted to give showbiz a try and isang malaking project agad ang naibigay sa akin.
“Thank you kay Direk Erik for being so nice at siyempre kay Dingdong for being so supportive sa first movie ko with him,” pagtatapos pa ni Hanna Ledesma.
Taylor Swift 40 kahong pizza ang inihanda sa kanyang silver birthday party
Star-studded ang naging 25th birthday celebration ni Taylor Swift na ginanap sa kanyang sariling apartment in New York City.
Mga big stars nga ang dumalo at binati siya tulad nila Beyonce, Jay Z, Justin Timberlake, Selena Gomez, Victoria’s Secret model Karlie Kloss, Chrissy Teigen, Nick Jonas, and girlfriend former Miss Universe Olivia Culpo, Charlie XCX, Shawn Mendes, Ansel Elgort, Sam Smith, Jaime King, Iggy Azalea, 5 Seconds of Summer, at marami pang iba.
Nag-perform pa nga si Taylor sa 2014 iHeartRadio Jingle Ball at doon pa lang ay marami na ang bumati sa kanya.
Nag-tweet si Taylor ng: “So this is being 25..... #WHAT #bestbirthdayEVER”
Halos 40 pizzas ang inorder ni Taylor para sa kanyang mga bisita at nagdala pa ang kanyang bisita ng mga instruments para sa kanyang party.
Niregaluhan naman si Taylor ng bandang 5SOS ng isang malaking teddy bear.