Kris ayaw maging science project
Maraming nakapuna na blooming at higit na gumanda ngayon si Kris Aquino. Natawa ang entertainment press sa presscon ng Feng Shui nang sabihin nito na ayaw niyang maging science project ang mukha niya na ang ibig sabihin ay ‘pag ginawa ang mukha niya ng iba at nasobrahan ay baka hindi na ito gumalaw.
Mabuti naman at hindi siya nag-name drop at wala namang pinariringgan ang aktres kundi in general at baka nga magkaroon pa ng ibang issue at maintriga na naman siya.
Gusto nitong maging positive lalo’t magpa-Pasko na. Proud naman siya sa ganda ng Feng Shui katambal si Coco Martin. Gusto niyang maging masaya at makabuluhan ang Kapaskuhang darating.
Chad, Rannie, Richard, at Renz tinitilian pa rin
Naimbitahan kami sa concert ng The OPM Hitmen sa Music Museum noong Sabado ni Mommy Reynoso at wala kaming masabi dahil sa gagaling ng mga singers na kabilang sa grupo gaya nina Chad Borja, Rannie Raymundo, Richard Reynoso, at Renz Verano. Ang galing nilang performers kahit wala silang guest at kayang dalhin ang buong show.
Naka-relate kami gayundin ang maraming manonood dahil sa mga inawit nila laluna ang medley ng Apo Hiking Society at mga OPM hits.
Hindi nagbago ang kanilang tinig at pataasan sila ng boses lalo na si Renz na inawit ang Remember Me at tilian naman ang mga tao nang awitin ni Richard ang kanyang hit na Paminsan-minsan. Guwapo pa rin siya at malakas ang karisma. Although nadagdagan ang timbang ni Rannie, guwapo rin ito. At kahit si Renz ang pinakamatanda sa lahat ay mukha pa rin itong bata sa kabila ng edad na 54 years old.
Hindi pa rin nagbabago ang tinig ni Chad at nagustuhan namin ang mga awitin nitong Tagalog hits. Ayaw bitawan ng mga manonood ang The OPM Hitmen at kahit gabi na ay sumasabay sila sa mga awitin ng grupo.
Itong The OPM Hitman The repeat concert ay pinakikiusapan nila uling magtanghal dahil hindi ka talaga magsasawa sa kanilang husay sa pagkanta. Hindi kaya puwede sa Araneta Coliseum naman balang araw? Puwede rin silang magtanghal sa abroad para sa muling magbalik-alaala sa mga tao roon ang magagandang awiting hatid nila.
- Latest