Miss World nakatipid kay Megan, drama ni Mikael tapos na rin!

Mapapanood ngayong umaga, 9:30 a.m., sa GMA 7 ang delayed telecast ng Miss World 2014 at para ito sa kapakanan ng mga hindi nakapanood sa live telecast, kaninang madaling-araw.

Interesado ang mga Pinoy na panoorin ang MissWorld 2014 dahil si Megan Young ang winner noong nakaraang taon at siya rin ang host ng coronation night.

Nakatipid ang organizer ng beauty pageant kay Megan dahil hindi na nila kailangan na mag-hire ng ibang host. Hindi ako magtataka kung masundan pa ang mga hosting job ni Megan sa beauty contest na nagbigay sa kanya ng international recognition.

Walang nang dahilan para manatili si Megan sa London dahil tapos na ang reign niya bilang Miss World.

Sure nang makakasama ni Megan sa Pasko ang kanyang pamilya at siyempre, ang boyfriend niya na si Mikael Daez na ayaw kumpirmahin o i-deny ang kanilang love affair.

Wa effect na ang drama ni Mikael dahil inamin na niya noon sa isang grupo ng mga reporter ang relasyon nila ni Megan kaya wala nang maniniwala sa kanyang pralala.

Walang ipinagkaiba ang current drama ni Mikael sa naging stand niya nang kumalat noon ang kanyang nude photos. Hindi nag-deny o umamin si Mikael pero kumbinsido ang lahat na siya nga ang mystery guy sa nude photo.

Katrina binalikan ang pagpapa-sexy

Si Katrina Halili ang cover girl ng January 2015 issue ng isang men’s magazine.

Para maiba ang kanyang look, gumamit si Katrina ng hair extension dahil hindi type ng readers ng men’s magazine ang mga cover girl na short ang hair.

Nabulilyaso ang balak ng men’s magazine staff na gawin muna na pahulaan ang identity ng cover girl ng January 2015 dahil lumabas agad sa mga news prog­ram  ng GMA 7 ang TV cove­rage ng sexy pictorial ni Katrina.

Bago pa ibinalita sa mga news program ng Kapuso Network ang pagpapaseksi ni Katrina sa pictorial, kumalat  agad sa social media ang kanyang mga sexy photo niya.

Pacman walang bilib sa pinagsasabi ni Mayweather

Hindi naniniwala si Congressman Manny Pac­quiao sa pralala ni Floyd Mayweather, Jr. na ready na ito na matuloy ang kanilang boxing fight sa May 2.

See? Pareho kami ng paniniwala ni Papa Manny dahil likas ang pagiging eklayero ni Binibining Mayweather at maraming beses na itong napatunayan. Magaling lang si Bb. Mayweather sa satsat pero any moment, puwedeng magbago ang kanyang isip.

Baka nauubusan lang si Bb. Mayweather ng mga sasabihin at miss na niya ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng publiko.

Alam na alam ni Bb. Mayweather na napag-uusapan siya  sa buong mundo kapag si Papa Manny ang target ng kanyang mga pagtataray kaya ginagamit niya sa publicity ang Pambansang Kamao.

Matalino at matalas ang pakiramdam ni Papa Manny na karkuladung-karkulado ang mga aksyon at gimik ni Bb. Mayweather. Hindi natin  masisisi si Papa Manny sa hindi nito pagkagat sa mga paulit-ulit at hindi na mga bagong pralala ni Bb. Mayweather. Aksyon at hindi ang kadaldalan ni Bb. Mayweather ang  kailangan ni Papa Manny para makumbinsi ito na matutuloy sa May 2 ang kanilang much-awaited fight.

Show comments