Dalawang aktor natutuyot sa droga at pagpapa-booking!
MANILA, Philippines - Tuyot ang deskripsyon ngayon ng ilang writers sa dalawang guwapitong aktor na sariwa nang pumasok sa showbiz.
‘Yung isa, obvious na nawala na ang freshness na kitang-kita sa mukha sa show na kinabibilangan ngayon. ‘Yung isa naman, malamlam ang mga mata at halata ang kawalan ng tulog.
Sapantaha ng mga writer na nagtsitsikahan tungkol sa unang aktor, tuyot ang dating ng aktor dahil siguro sa walang humpay na pa-booking, huh! Noon pa man ay may tsismis na pahada ang aktor at feeling ng press, hindi pa natitigil ‘yon lalo na’t hindi na mabenta sa mga project ang aktor.
‘Yung isang aktor naman, feeling ng ibang press, ang pagkakahumaling sa bawal na gamot ang dahilan ng pagkatuyot. Siyempre nga naman, ang malakas magpatuyot ang bawal na gamot lalo na nga’t kailangan niya na gising parati sa tapings, huh!
Naku, kung hahayaan ng mga aktor na ito ang hitsura nilang tuyot, huwag magtaka kung matuyot din ang offers sa kanila na trabaho, huh!
Isabelle mapangahas ang ginawang paglipad!
Inilihim ni Isabelle Daza sa kanyang ina na si Gloria Diaz ang mapanganib niyang stunts sa festival movie na Kubot The Aswang Chronicles. Alam ng aktres na hindi siya papayagan ng ina na matatakutin sa mapangahas na stunts.
“Nalaman na lang niya nang tapos ko nang gawin! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Isabelle sa presscon ng movie.
Kahit na nga late na silang pina-pack up ni Direk Erik Matti, worth it naman daw ang pagbibitin sa kanya thru harness pati na ‘yung paglipad-lipad!
“Its’ really inspiring to be with them,” saad niya.
Hindi ba siya nanibago nang umakyat siya uli sa building ng GMA?
“Ha! Ha! Ha!” bunghalit ni Isabelle.
Nasa cast din ng movie si KC Montero. Kaloka nga role niya bilang multong nagsasalita ng Taglish, huh!
Pero ayon kay KC, natutuwa siya sa pagkakasama niya sa Kubot dahil feeling niya, “Thanks, Dong, for bringing me back to life! Ha! Ha! Ha!
After Party Pilipinas kasi, nawala si KC at nang isama naman siya sa Sunday All Stars, nalaman niyang mawawala na rin ang programa. Kaya nga feeling niya, “namatay” na siya pero “binuhay” sa pelikulang Kubot dahil siya ang main kontrabida ni Dong sa festival entry.
Martin ayaw nang bumirit
Hindi umaasa si Martin Nievera sa teleprompters sa harapan niya kapag meron siyang concert. Nakalaman kasi roon ang spiels at lyrics ng kantang para sa concert.
“But I still memorize my songs. Teleprompters should just be reference kung ma-black out ka. Kunwari, apat tayo. Part mo, part ko. At least we don’t have to remember that!
“Now, to quote a very professional singer na ina-idolize ko, Lea Salonga, when she first saw a teleprompter, she teased me. Not even a year later, may teleprompter na siya.
“She always teases me about it. So you just don’t read it. I am also a director, a writer so I just don’t have to worry about the lyrics. At least alam ko nang nandiyan ang lyrics. I can attend to some other things!” pahayag ni Martin sa pocket interview niya sa Jet7 Bistro kaugnay ng show niyang Martin Nievera Live at the Samsung Hall: The Big Mouth Rocks a New Year sa January 3, 2014 sa SM Aura Hall.
Ayon kay Martin, kahit kinakanta niya sa concert ang hit songs niya, magkaiba naman ang arrangement nito tuwing kakantahin niyang muli.
“Like for instance, Be My Lady, kahit nakakasuka na, I learn how to sing it lighter. No need to scream it anymore! Back in the 80s, you have to sing it plakang-plaka dahil ‘yon ang hinahanap ng tao!” rason ng Concert King.
Anyway, special guests ni Martin sa The Big Mouth Rocks a New Year sina Allen Sta. Maria, Morisette Amon, at KZ Tandingan. Hindi nga lang daw siya makakuha ng schedules sa anak na si Robin dahil sa pagiging busy nito kaya hindi kasama ang anak sa post New Year concert niya.
- Latest