Bukas, December 14, ang 10th death anniversary ni Fernando Poe, Jr. at tiyak na hindi ito nalilimutan ng kanyang loyal fans.
Sampung taon na ang nakalilipas mula nang bawian si Kuya Ron na itinuturing na King of Philippine Movies. Ang buong bansa at hindi lamang ang local entertainment industry ang nagluksa sa pagpanaw ni Kuya Ron.
Tandang-tanda ng veteran movie director na si Romy Suzara na makulimlim ang panahon habang nakaburol ang labi ni Kuya Ron sa Sto. Domingo Church kaya nakapagsalita siya na pati ang langit, ipinagluksa ang pagkawala ng asawa ni Susan Roces.
Tiyak na magkakaroon bukas ng banal na misa para sa 10th death anniversary ni Kuya Ron na sinasabi na tunay na winner ng presidential election noong 2004.
Ten years nang namamayapa si Kuya Ron kaya magsasampung taon na rin ang showbiz career ni Lovi Poe.
Pinasok ni Lovi ang pag-aartista, ilang buwan matapos sumakabilang-buhay ang kanyang ama. Ang S-Files, ang defunct Sunday showbiz oriented talk show ng GMA 7 ang first television appearance noon ni Lovi.
Maging singer ang original dream ni Lovi kaya nagkaroon ito ng record album sa BMG Records pero mas nakilala siya bilang aktres dahil na-discover ang talent niya sa pag-arte.
Aswang 3 tiyak na
Sure na ang pagkakaroon ng part 3 ng The Aswang Chronicles dahil sa kasunduan na pinirmahan noong Huwebes ng mga producer ng GMA Films, Agosto Dos Pictures, at Reality Entertainment.
In short, “franchise” na ang successful adventure movie ni Dingdong Dantes.
Asahan natin na magkakaroon uli ng The Aswang Chronicles sa susunod na taon at malay natin, baka si Marian Rivera na ang leading lady ni Dingdong.
Si Lovi ang kapareha ni Dingdong sa Tiktik at si Isabelle Daza sa Kubot. Kapag pinilahan ng manonood sa Metro Manila Film Festival 2014 ang Kubot, sure na sure na may filmfest entry si Dingdong sa 2015
Gozon na-traffic din
Nakagayak na dumalo sa Christmas party for the entertainment press si GMA 7 Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon pero hindi ito nakarating dahil sa overacting na trapik noong Huwebes.
Ipinaabot na lang ni Atty. Gozon sa entertainment media ang pagbati niya ng Merry Christmas at gaya ni Papa Manny Pacquio, nagbigay din siya ng premyo para sa raffle draw.
Enjoy na enjoy ang entertainment press sa ginanap na Christmas party dahil bumaha ang mga pagkain at drinks. One to sawa ang pagkain nila ng mga balut, penoy, pandesal, at kesong puti.
Ang sey ng mga reporter, feel na feel nila ang pagpapahalaga sa kanila ng Kapuso Network management kaya more power at top rating programs ang mga Christmas wish nila para sa GMA 7.
Sunud-sunod na naman ang mga showbiz event sa susunod na linggo dahil sa mga Christmas party at presscons ng ibang mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2014.
At dahil mahirap nang malutas ang problema sa traffic, lalo na panahon ng Kapaskuhan, ang idaos sa Quezon City area ang mga presscon ang request ng entertainment press dahil dusa na bumiyahe sa Edsa patungo sa Makati City at Ortigas Center area.