MANILA, Philippines – Mabusisi at matagal ang pagluluto ng kakanin, ngunit dahil sa produkto nina Sally Concepcion at kanyang mister, madali nang gawin ang mga paborito ng Pinoy tulad ng puto bumbong, maja blanca, espasol, puto, kutsinta, at sapin-sapin dahil ang lahat ng sangkap nito ay nasa iisang kahon na lang.
Si Sally at ang kanyang kabiyak ang may-ari ng Green Leaves, na gumagawa ng instant mixes ng native delicacies, food coloring, flavoring at iba’t ibang mga seasoning. Sa ngayon, dinadala na ng mga malalaking supermarket ang kanilang mga produkto at ine-export na rin.
Kaya naman sinong mag-aakalang nagsimula lamang ang mag-asawa sa isang maliit na kwarto sa Tondo?
Alamin ngayong Miyerkules (Dec 10) sa My Puhunan kung paano nakamit ni Sally ang tunay na pag-asenso sa loob ng maraming taon, mula sa kanyang pagpapakasal noong siya’y 19 pa lang at pagkakalulong nilang mag-asawa sa paninigarilyo at pagsusugal.
Paano nga ba nakabangon mula sa pagkakalulong sa bisyo sina Sally? Paano nga ba nila napalaki ang kanilang negosyo?
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Dec 10), 4:30 p.m. sa ABS-CBN.