^

Pang Movies

Radyo5 Taxi Squad ng Davao sasanayin pa para maging Tourism Ambassadors

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang matagumpay na membership recruitment at renewal activities sa Metro Manila at Cebu, umarangkada naman ang buong puwersa ng Radyo5 Taxi Squad sa lungsod ng Davao, kung saan daan-daang mga Davaoeño ang nakiisa sa kakaibang public service campaign na ito.

Ang pinakaaabangang Nasa Tama workshop ay ginanap sa garahe ng mga pinakamalalaking taxi companies sa lungsod, kung saan binigyan muna ang mga dumalo ng isang eksklusibong seminar patungkol sa traffic rules at regulations, at pati na rin sa proper grooming, na pinangunahan ng LTO. Pinag-ibayo naman ng News5 Reporter na si Paolo Anota ang mga kaalaman ng Taxi Squad members kung paano ang tamang pamamaraan ng pagbabalita. Bukod rito, may mga dumalo ring mga representatives mula sa PhilHealth upang tugunan ang mga karagdagang tanong ng mga miyembro. Ikinatuwa rin ng komunidad ng Taxi Squad sa Davao ang simpleng salo salo, libreng massage, medical check-up, at iba’t ibang souvenir items na naiuwi nila mula sa mga malulugod na sponsors.

Sa naging positibong pagtanggap at pakikiisa ng mga Davaoeño sa public service campaign na ito, hindi maikakailang bukod sa nadagdagan pa ang bilang ng Taxi Squad members ay napatunayan ding mas nakikilala na ito ng nakararami. Bukod sa publiko, mapa-motorista man o komuter, patunay din ang kamakailang pagtanggap ng Taxi Squad ng parangal mula sa isang kilalang award-giving body.

Bukod rito, mas nakagagalak kung paano taos-pusong hinigitan pa ng komunidad ng Taxi Squad sa Davao ang kanilang tungkulin bilang mahalagang partner ng TV5 sa pagbibigay ng kakaibang serbisyo sa publiko — ito ay sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho sa kalsada buong araw.

Dahil sa kanilang katapatan, matapos ang kusang-loob na pagbabalik ng mga gamit na naiwan ng kani-kanilang mga pasahero at sa pagiging magandang ehemplo sa pagsunod sa mga batas-trapiko, tuluyang nakuha ng mga Taxi Squad members ang tiwala at loob ng mga Davaoeño. Dahil dito, higit pa sa pagiging mga dagdag na ‘mata’ at ‘tenga’ ng Kapatid Network sa pagre-report ng iba’t ibang kaganapan habang sila ay namamasada, tila nagsisilbi ring mga ambassador ang Taxi Squad sa local tourism industry ng Davao dahil sa kanilang pagtaguyod ng positibong imahe ng lungsod.

“Bilang mga citizen journalists, bahagi ng tungkulin ng mga ‘Taxi Squad’ members ang maging tapat upang sila ay mapagkakatiwalaan ng publiko. Kaya mula noon pang December 2012 ay binigyang-diin na namin sa kanila ang mahalaga nilang tungkulin bilang mga frontliner ng lokal na pamahalaan, pati na rin ng local tourism industry. Sa ganitong paraan, mas magiging kampante ang publiko sa ‘Taxi Squad’,” pahayag ni TV5 Davao station manager Tayna Miclat.

Dahil sa matagumpay na pag-arangkada ng Taxi Squad sa Davao, ibinahagi rin ni Miclat ang mga planong nakalaan sa susunod na taon: “Magkakaroon ng regular news segment sa Radyo5 101.9 NewsFM ang ‘Taxi Squad’ kung saan mas matutugunan ng publiko ang mga mahahalagang balita habang namamasada ang mga miyembro natin. Mayroon na ring mga nakatakdang training para sa kanila na mas makakatulong sa kanilang mga tungkulin bilang mga tourism ambassadors. Bukod rito, may mga pagsasanay ring pagdaraanan ang  Taxi Squad upang maging mga ganap na responder sila sa oras ng mga peligro, tulad ng pagbabaha, sunog, lindol, at iba pa.”

Para sa mga karagdagang tanong tungkol sa Radyo5 Taxi Squad, maaring tumawag sa hotline +63909- 411-1180.

BUKOD

DAHIL

DAVAO

DAVAOE

SQUAD

TAXI

TAXI SQUAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with